Leukemia
********************************Anika's POV
Ilang minuto na ang nakakalipas mula ng umalis si Aica kaya sinundan ko na sya.
Papunta na akong cr ng madaanan ng mga mata ko si Aica na nasa canteen kaya kaagad ko syang nilapitan.
"Nandito ka lang pala"
Halos mapatalon sya sa biglaang pagsulpot ko salikuran nya.
"Mama naman ehh nang gugulat"
Nakabusangot na sabi nito na ikinatawa ko.
"Ano palang ginagawa mo dito anak kala ko ba pupunta kang cr?"
Tanong ko na tila di nya narinig nakatingin lang sya sa may exit ng canteen.
"Anong tinitingnan mo anak?"
Kaagad namang napabaling ang kanyang tingin sa akin ng mag tanong ako.
"Ahh wala po mama, tinitingnan ko lang po si Tito Ron"
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Aica.
"Si Tito Ron po ang bago ko pong kaibigan mama"
Paliwanag nito ng mapansing nangunot ang aking noo.
"Bagong kaibigan?"
"Opo mabait po sya mama"
Nakangiting sabi nito na ikinapagtaka ko, papaanong nakuha ng Ron na yon ang loob ng anak kung pihikan sa ibang Tao.
Hahawakan ko na sana sya sa kamay para makabalik na kami ng mapansin ko ang gasgas sa tuhod nya.
"Anong nangyari dyan nak?"
Tiningnan nya lang ako na para bang nalilito sa tanong ko sa kanya.
"Sa tuhod mo anak anong nangyari dyan?"
Kaagad naman syang napatingin sa tuhod nya.
"Ahh wala po ito mama, nadapa lang po ako kanina"
Bigla akong nakaramdam ng kaba ng sabihin nyang nadapa sya. Kaya kaagad ko syang nilapitan at hinipan ang gasgas nya sa tuhod.
"OK lang naman po ako mama di naman po masakit ehh"
"Sigurado ka nak?"
Nag aalalang tanong ko
"Opo naman po mama ok lang po talaga ako po"
Nakangiting sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.
"Sigurado ka ah?"
"Opo nga po mama"
"Ok oh pano tara na"
Hinawakan ko na sya sa kanyang kamay at nag simula na kaming mag lakad.
"Ohh ayan na pala sila eh"
Dinig kung sabi ni Hanna ng makita kaming nag lalakad papalapit sa kanila.
Kaagad namang lumapit si Aico sa amin.
"Napaano yang tuhod mo Aica?"
Tanong nito, marahil ay nakita na nya ang gasgas sa tuhod ng kapatid.
"Nadapa"
Napangiwi na lang ako sa
Maikling sagot ni Aica sa tanong ni Aico,Di na nag salita si Aico at nag yaya ng umuwi.
Saglit lang ang naging byahe namin pauwi ng bahay.
Kaagad na nag takbuhan sina Ella ng makarating kaming bahay at tuwang tuwang nag kwento sa lola nila.