Chapter 18

7.3K 187 12
                                    

Who's Rencho??

**************************
Someone's POV

Abala ang lahat sa loob ng mansion ng De lara di mag kandaugaga ang mga katulong sa kanilang mga ginagawa.

Ngayong araw kasi ang dating ng kanilang amo. Minsan lang ito kung umuwi kaya minsan lang nila ito nakikita isang beses sa isang taon abala kasi ito sa kahahanap sa nawawalang anak at kung umuwi man ito lagi lang itong nagkukulong sa kwarto  ng kanyang nawawalang anak.

Makalipas ang ilang sandali natigil ang lahat sa kadahilanang dumating na ang kanilang amo.
Isang baritonong boses ang kanilang narinig.

"Manang Linda" tawag ng kanilang amo sa kanilang mayordoma/ yaya nito.

"Rencho hijo nandyan kana pala di ka man lang nag sabi ng nasundo ka sana" di kasi sinabi nito kung anong oras ang flight nya ang sinabi lang nito kung anong araw.

"Its ok manang pakidala na lang po ng mga gamit ko sa loob." Sabi nito at nagsimula ng maglakad. Walang nagawa ang kanyang yaya ng umakyat na ito
Kundi ang mapangiti ng mapait ibang iba na kasi ang dating batang inalagaan nya noon di na ito tulad noon na laging nakangiti sa tuwing dumarating ng mansion tuluyan na ngang nawala ang kanyang alaga.  Naiintindihan nya ang alaga masakit naman talagang mawalan ng anak.

Sa ibang banda naman kaagad na tinungo ni Rencho ang silid ng nawawalang anak. Katahimikan ang sumalubong sa kanya di na ito tulad noon na maingay tuwing dumarating sya.
Kaagad nyang nilapitan ang nag iisang kulay pink na crib at pinatunog ang paburitong tugtog ng anak.  Pinakatitigan nya lang ito at naupo sa upuang nasa tabi ng crib. Mga ilang sandali pa tumayo na rin sya at nagtungo sa kama ganon pa rin naman ang kwarto walang pinagbago ang ipinagkaiba nga lang nababalot na ito ng lungkot.

"Anak nasan ka na? Miss na miss kana ni daddy" mahinang bulong nya bago kuhanin ang nag iisang larawan ng anak.
Niyakap nya ng mahigpit ang larawan ng anak 25 years na simula ng itoy itakas ng kanyang asawa sa kanya. Yakap yakap nya ang larawan ng kanyang anak ng biglang may kumatok sa pinto. Ang kanyang yaya pala ang kumakatok.
"Rencho anak bumaba kana ng makakain ka mo na bago ka mag pahinga" 

"Susubod po ako manang" sigaw nya at ibinalik ang larawan ng anak sa kanyang pinag kuhanan.
Hinaplos nya muna ito bago tumayo.

Hindi nya na naabutan si manang linda ng lumabas sya ng silid parahil nauna na ito.

Nang makarating ng dining room ay kaagad nyang nakita si manang Linda habang nag hahanda ng pagkain.
"Mabuti naman at bumaba kana" sabi nito ng makita sya na sinuklian naman nya ng ngiti.

"Oh sya maupo kana dyan" utos nito na kaagad naman nyang ginawa

Kasalukuyan silang kumakain ng biglang magtanong si manang Linda sa kanya.

"Ahh oo nga pala hijo kamusta ang pag hahanap  mo kay Iza?" Basag katahimikang tanong ni manang linda sa alaga.

Ngumiti lang ito ng peke sabay iling na nag papahiwatig na wala pa syang nakukuhang impormasyon patungkol sa nawawalang anak.

"Ganon ba? Ah hijo wag mo sanang masamain ang sasabihin ko ahh pero di ba matagal na panahon mo na rin namang hinahanap ang anak mo, di kaya ito na ang tamang panahon para tumigil kana kasi mahigit 25 years mo na syang hinahanap pero hanggang ngayon di mo parin sya nahahanap." Binitawan ng alaga ang hawak nitong kutsara bago mag salita.

"Alam mo naman manang kung gaano ko kamahal ang Iza diba kaya hahanapin ko sya kahit saan kahit libutin ko pa ang buong mundo makita ko lang sya kahit kaagano pa katagal kahit ikamatay ko ang pag hahanap gagawin ko. Manang hanggat di ko pa sya natatagpuan di ako titigil sa paghahanap" sabi nito bago tumayo at lumabas ng dining room.

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon