chapter six

6.4K 167 2
                                    

    
                    Anghel

********************************

Anika's POV

Nang marating ko ang coffee shop ay Kaagad akong pumasok.

Nang makita ako ni Hanna ay kinawayan nya ako kaya di na ako na hirapang hanapin sya.

"Oh hanna bakit mo ako pinapunta dito? Ano ba ang sasabihin mo?"

Tanong ko ng makaupo na ako. Nag order muna si hanna bago sinagot ang tanong ko.

"Ahh anika may dapat ka kasing malaman eh."

"Ha ano naman yon?"

"Si ano kasi na kita ko kanina ehh."

"Sino?"

"Si sir Tyro" di na tuloy ang sasabihin dapat ni hanna ng biglang dumating ang inurder namin.

Nang makaalis ang waiter ay tinanong ko agad sya.

"Oh ano na hanna sino nga ang nakita mo?"

"Ah si mamaya na lang kumain na muna tayo."

"Hanna ano ba? Ngayon mo na sabihin."

Sumubo muna sya ng cake bago tumingin sa akin na animoy na aawa?

"Ahh anika wag ka sanang magalit sa akin ha?"

"Bakit ano ba yon?"

"Basta mangako ka."

"OK promise"

"Anika kasi kanina nag half day lang ako, nakita ko si"
Biglang huminto si Hanna na para bang nag aalinlangan sa kanyang sasabihin.

"Si?" Tanong ko ulit para kasing wala ng balak ulit magsalita si hanna ehhh.

"Si sir Tyrone"

"Si Tyrone lang pala kala ko naman Kong sino"

"Oo si sir Tyrone"

"Ohh anong mayroon kay Tyrone?"

"Anika ok pa naman kayo ni sir Tyrone diba?" Sa tanong ni Hanna ay bigla akong kinabahan ok naman kami ni Tyrone diba?

"Oo naman bakit ba?"

"Kasi anika nakita ko si sir Tyrone may kasama sya ehh"

"Ahh baka naman ka meeting nya yon maaga kasi syang umalis kanina ehh"

"Babae ang kasama nya anika"

"Ohh ano naman ngayon kong babae?"

"Anika narinig ko kasi ang pinag uusapan nila kanina kaya sure akong di lang nya kameeting yon"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Anika wag kasanang magagalit ha? Kasal kasi ang pinag uusapan nila kanina. Aalis na nga sana ako kaso nong narinig ko ang kasal na sinabi ni Tyrone di ko mapigilang makinig."
Sa sinabi ni Hanna ay bigla akong napingiti baka yong kasal na sinasabi ni Hanna ay ang kasal namin ni Tyrone baka mag pu prupose na sya sa akin.

"Anika ang kasal na sinasabi nya ay ang kasal nila ng babaeng kasama nya. kaya nga tinanong kita kung ok pa ba kayo ni sir diba?"

"Anika ok ka lang ba?" Bumalik lang ako sa aking ulirat nang hawakan ni Hanna ang kamay ko at marahan itong pinisil.

"Di yan totoo. Nag sisinungaling ka lang. Bawiin mo yong sinabi mo."

" anika maniwala kaman sa Hindi pero yan ang totoo"

"Nag sisinungaling ka lang"

"Sana nga  nagsisinunging na lang ako pero dinig na dinig ko kitang kita ko anika kung paanong hinalikan nong babae si sir Tyrone"

"Hindi yan totoo mahal ako ni Tyrone. Hindi sya magpapakasal sa iba."

"Yon ang totoo anika yon ang totoo. kaya wag ka ng magbulag bulagan. Sinasabi ko to dahil ayaw Kong masaktan ka."

"Sa tingin mo sa sinabi mong to di ako nasasaktan."

Pinahid ko muna ang luha ko bago tumayo.

"Hindi ako naniniwala sayo hanna. Sinungaling ka."

Sabi ko at umalis ng coffee shop.

Pagkaalis Kong coffee shop ay Kaagad akong sumakay ng jeep.

Di ko alam kung paano ako napadpad dito sa park basta namalayan ko na lang na nandito na ako..

Umupo ako sa ilalim ng punong paburito naming puntahan ni tyrone.

Ang ganda ng langit lalo pat papalubog na ang araw nakakatuwa sana lagi na lang ganito.  Yung kahit ano man ang mangyari, umulan man darating at darating parin ang panahon na muling sisikat ang araw.  Muling magpapakita ng kanyang ganda.

Nakatitig lang ako sa papalubog ng araw ng biglang mag ring ang phone ko.

"Hello jane napatawag ka? May problema ba?"
Tanong ko ng masagot ko ang tawag.

"Wala naman ate nangangamusta lang. Musta na ba ate kaylan ka uuwi?"

"Ahh di ko pa sure Jane ehh. OK lang naman ako dito kayo kamusta na kayo dyan jane? Si tatang kamusta na?" Tanong ko miss na miss ko na kasi sila ehh.

"Ok lang naman kami ate, andito nga pala si giro gusto ka raw makausap."

"Sige ibigay mo"
Mayamaya lang si giro na ang kausap ko.

"Ate kamusta ka na dyan? Miss na kita ate. Uwi ka naman kahit minsan ohh."

"Miss na rin kita giro. Hayaan mo baka sa susunod na buwan umuwi ako"

"Talaga ate?"
Tanong ni giro na parang exited na exited ng umuwi ako.

"Oo naman"

"Sige ate aasahan ko yan ahh love you ate babye"

"Love you too giro babye ingat ka dyan ahh"

"Ok po"

"Paano ate ibababa ko na to may gagawin pa kasi ako. Babye na
Love you ate"

"Love you too Jane ingat kayo parati dyan"

"Kaw rin ate"

Nang matapos kong kausapin sina jane at giro ay tinawagan ko si tyrone.

Pero nakakailang tawag na ako di parin sinasagot ni tyrone ang tawag ko.

Nang sinubukan ko ulit tawagan si tyrone ay nakapatay na ang phone nya.

Di naman sana totoo ang mga sinabi ni hanna tungkol kay tyrone. Di ko kakayanin pag nagkataun.

Nagulat na lang ako ng may batang biglang lumapit sa akin.

"Ate bakit po kayo umiiyak?"
Umiiyak na pala ako. Di ko man lang namayan na umiiyak na pala ako. Nakakahiya tuloy dito sa bata nakita nya pa.

"Ahh hindi napuwing lang ako"
Pagsisinungaling ko.

"Di naman po kayo napuwing ehh umiiyak po talaga kayo. Ganyan din po kasi ang mommy ko. Lagi nyang sinasabing napuwing sya kahit umiiyak naman po talaga sya..
Lagi po kasi syang pinapaiyak ng Daddy ko" sabi ng batang super cute na lumapit sa akin para tanungin Kong umiiyak ba ako.

"Bakit ano bang ginagawa ng daddy mo sa mommy mo?" Tanong ko mukha kasing madaldal tong batang to ehh nakakatuwang kausap.

"Di ko po alam basta laging umiiyak si mommy dahil kay daddy" sabi nito na tila bay biglang nalungkot.

"Sige pupunta na po ako don baka hanap na po ako ni yaya" paalam ng bata.

Pero bago pa sya tuluyang tumakbo lumingon muna siya sabay sabi ng mga salitang di ko inaasahang saaabihin nya.

"Kung ano man po ang prolema 
Nyo kaya nyo po yan magpakatatag lang po kayo. Dahil may mga anghel pong darating sa buhay nyo, mga anghel na mamahalin nyo at mamahalin kayo, kumapit lang po kayo sa panginoon nandyan lang po sya sa tabi nyo. Nagbabantay at umaagapay sa inyo. Mahal nya po kayo"

                 

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon