1

2K 59 4
                                    

THE PROPOSAL

THE PROPOSAL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter  1

“NAPAKASAKIT talaga, Kuya Jerome…!”

Napasigok pa si Edward matapos ang paghihinga ng sama ng loob sa nakatatandang kapatid. Magkakalahati na ang iniinom nilang isang boteng Chivas Regal nang gabing iyon, huling araw ng Linggo ng Abril.

Dumampot si Jerome ng pulutang hipon sa plato. Isinawsaw nito iyon sa toyong nasa platito at isinubo, kasunod ang pagsimsim ng whiskey.

“Edward,” sabi nito, “you can’t win them all.”

“I don’t mind losing once in a while, Kuya. Kaya lang… para talaga akong ginago ng babaing yon!” Kasunod niyon, mabilis na pinahid niya ang luha sa mukha sa pamamagitan ng isang palad. “Tagay pa, Kuya?”

“Lasing ka na, tol,” natatawa at naiiling na sabi ni Jerome bagaman ito’y halatang naawa sa kanya. “At huwag kang ngumalngal dyan na parang bata. You’re a 26-year-old civil engineer, ano ka ba?”

Suminghap ng hangin si Edward at pinayapa ang sariii. Kinuha niya ang bote ng Chivas, sinalinan ang baso ng kanyang kuya at pagkuwa’y ang sariling baso naman ang tinagayan.

“Akalain mong masulot pa ako ng Cora Wendell!” aniya. “Sinamantala niya ang pagiging subordinate ni Cora. Office supervisor siya, section chief. Siyempre, madali na nga niyang mapapaibig ang isang tauhan niya sa opisina. On top of that, Kuya Jerome… magkapitbahay pa sila sa Quezon City.”

“May kasabihan, Edward,” ani Jerome na tulad niyay isa ring civil engineer at nakatatanda sa kanya lang nang dalawang taon, “everything is fair in love and war.”

Napailing siya. Ginamit ang choptsticks sa pinupulutan nilang pritong hipong binalutan ng arina, isinawsaw sa toyong nasa isang platito at isinubo.

Habang ngumunguya, iginala niya ang tingin sa maliit na hardin ng kanilang parental house na iyon sa San Juan, Metro Manila.

Doon sila inabot ng dilim sa pag-iinuman, sa ilalim ng isang hugis payong na shed na ang rim ng bilog na bubong ay nalilinyahan ng maliliit na bombilyang de-kulay, nagsisilbing ilaw nila.

“Parang lumalabas din, Kuya, na kinatalo ng Nikko iyon ang Kumpareng McCoy mo,” aniya nang wala nang laman ang bibig. Kinuha niya ang kanyang baso. “Hindi ba’t magkabarkada sila?”

... Itutuloy...

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon