41

870 54 2
                                    

Chapter 41

“Sabagay. Teka… hindi ka ba kukulitin ng tantan na ‘yon pag-alis ko? Alam niyang nag-iisa ka lang dito.”

“No. I can handle him.”

“Makulit ‘kamo, e.”

“Oo, pero mabait siya. Takot ‘yon ke nikko at lalo na sa kanyang ina, si Tiya Baninay.”

“Oh, well… kapag ang tao’y me respeto sa awtoridad, he can be handled.” Tumayo na si Edward. “O, pa’no? Baka sa Baguio na nga tayo magkita uli. Tatlong linggo akong madidestino roon. But I’ll keep in touch.”

“Sige.” Tumayo na rin siya. Ano nga kaya ang dahilan at biglang naging malapit sa akin ang lalaking ito? May ulterior motive nga kaya ito, tulad ng suspetsa nina nikko at cora?

“Halika,” sabi nitong hinagilap ang kanang palad niya. “Ihatid mo ako hanggang sa may gate.”

Magkahawak-kamay silang lumabas.

May upuang semento sa ilalim ng punong caimito na nasa harap ng bahay na katapat ng apartment ni nikko.

Naroon si tantan nang ihatid niya si Edward sa gate. Kausap nitantan ang dalawang teenage boys na parehong nakagora nang pabaligtad, ang isay may hawak na gitara.

Napatingin sa kanila si tantan.

Para namang sinamantala ni Edward ang pagkakataon. Humarap ito kay maymay at nakangiting kumindat, kasunod ang pagdadampi ng isang halik sa kanyang mga labi.

“Goodbye, sweetheart,” ang sabi. “See you.”


Nabigla siya. Pero kaagad ngumiti rin sa binata at tumango. “Sige. Ingat sa pagda-drive, s-sweet-heart.” Lokong ‘to, a! Tinuka ako sa labi!

Inihatid lang niya ng tanaw ang papalayong kotse ni Edward at pumasok na ng bahay.

NAIILING na napaupo si maymay sa mahabang sopa pagbalik sa salas. Hawak sa tapat ng dibdib ang maputing rosas na may mahabang tangkay, wala sa loob na dinampian niya ng halik ang mga talulot niyon at napapikit.

Kay tagal nang walang nagbibigay sa kanya ng bulaklak. At kanina lang muling nadampian ng halik ang kanyang mga labi sa loob ng nagdaang mahigit na dalawang taon.

It’s just a rose. A friendly rose…

...itutuloy....

Sorry busy ako today.

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon