Chapter 69
Nakahilera sa dakong iyon ang ilang magkakaparehang binata’t dalaga. Nakatanaw sa malayo, sa wari’y kumpol ng mga bahay-bahayang nasa mas mababang bundok, gawing kanan.
Sa ibayo ng bahayang iyon, wari’y ibinabang kurtina ang isang nangangasul, mas mataas at magubat na bundok.
Kapag tinanaw mula sa barandilya, para bang ang langit ay kay lapit, at ang likod ng kabundukang iyon ay bingit o dulo na ng mundo.
Wala pa siya, naisaloob niya nang suklayin ng tanaw ang nakahilerang mga tao sa barandilya. Sa bagay, five minutes pa lang before nine.
Baka nga past nine na siya dumating… para kapag nauna ako rito ay maghahanap na lang siya at hindi na maghihintay pa nang matagal.
Kung alam lang niyang hindi na siya magtatangkang umiwas kay Edward, kung alam lang niyang kusang-loob na pala siyang pasisilo sa bitag na kung tawagi’y pag-ibig, hindi na sana sila maglalaro ngayon ng hide and seek.
Sana’y nagtagpo na lang sila sa isang secluded place, sa cozy nook ng isang coffee shop sa dibdib ng lunsod, halimbawa.
Doon sa puwede niyang masdan ang guwapong mukha ng binata at hayaang matunaw ang puso niya sa titig at simpatikong ngiti nito.
Napabuntunghininga siya nang sumimoy sa malarosas niyang pisngi ang maulap na hangin. Why did I finally fall in love with you, Edward? nangingiting naisaloob at muling sinalat ang kahita sa bulsa ng jacket. Dahil ba dalawang beses mo na akong nadadampian ng halik sa mga labi?
IT’S her. My God, it’s her and she’s so beautiful! Umantak, parang pinisil ng aserong kamay ang puso ni Edward nang matanaw ang maputi, maganda at smart-looking lady in white sa harap ng isang tindahan ng iba’t ibang jars and woodcrafts.Naispatan agad ni Edward ang dalaga bagaman nakatagilid ito sa kanyang pananaw.
Para itong nakatuntong sa usok, nagmumukhang puti rin ang light blue rubber shoes. Kaya naging kapansin-pansin ito sa pagkakatalikod sa mga taong bumabaha sa dakong iyon ng Mines View Park.
Ang ganda-ganda talaga niya. Bagay sa kanya ang naka-ponytail. Nagmukha siyang teenager lang. Muli, may kumirot sa kanyang dibdib at nag-init ang kanyang mga mata kasabay ng pagtitiim-bagang.
Akala ko’y wala nang kasingsakit ang kabiguan ko kay cora. But no one can break a heart like this girl!
“Excuse me,” anang isang matandang lalaking turista na mukhang Amerikano na nainip yata sa mabagal na paglalakad ni Edward.
“Opps, sorry…”
.... Itutuloy.....
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...