Chapter 9
Bakit hindi mo puntahan doon si cora?” lingon niya rito.
“No. Paano sila magkakausap nang sarilinan kung nandon ako?”
Tumango siya at inumpisahang brilyuhin ang mga kubyertos. “nikko, maalala ko…”
“Hmmm,” sabi nitong nag-ipit ng sigarilyo sa mga labi para sindihan.
“Naipadala mo na ba sa Davao via LBC ang mga natitirang gamit ni Aura?”
“Hindi ko pa napa-pack lahat. Marami, e. Pati mga kumot at unan na ginamit niya, gusto kong ibalik sa kanya. Itinambak ko muna sa kabilang kuwarto.”
Napangiti siya. Packing memories away…
“Tumawag nga pala sa akin si Aura three nights ago, maymay.”
Muli niya itong nilingon. “Talaga? Ano’ng sabi?”
“Wala naman. Nagpaalam lang. Aalis daw siya patungong Sydney, Australia on the third week of this month.”
“Kasama na siya n’ong Australiano?”
“Oo.”
“Mag-mail-order-bride na rin kaya ako?”
Tumawa ang binata. “Mag-reduce ka muna.”
“Hindi na, ‘oy,” irap niya. “Bakit, wala ba akong makikitang foreigner na ang type e tulad kong Dabiana?”
“Delikado rin ang maging mail-order-bride,” medyo seryoso nang sabi ni nikko. “Paano kung makatiyempo ka ng isang lalaking sadista at wife beater? Sino ang hihingan mo agad ng tulong kung nasa ibang bansa ka?”
“Oo nga. But why think negative? Puwede namang ang makatagpo ko ay isang real-life Prince Charming.”
“Sabagay. Harinawa’y mapabuti si Aura sa gagawin niyang pagpapakasal sa Australianong iyon.”
“Mahal mo pa rin siya, ‘no?”
... Itutuloy....
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...