15

1K 47 2
                                    

Chapter 15

"Pero, Engineer… alas-dos pa lang ng madaling-araw. Sarado pa ang hardware!”

“So what? Gisingin nyo dahil emergency kamo. Hindi ho natin puwedeng isara sa trapiko ang tulay na ‘to hanggang mamayang alas-singko. Alam naman ninyong hanggang alas-singko lang ang ibinigay sa ating permit!”

“Samahan n’yo na lang kami, Boss! Baka ho magalit sa amin ‘yong me-ari ng hardware!”

Tang’na naman…! Kaka-high blood ang mga tauhang ‘to ni Kuya Jerome! Saan ba n’ya pinagkukuha ang mga ‘to? Tumalon siya mula sa boulder.

“Akina ho’ng susi,” aniya. “Kung sasama rin lang ako, maiwan na lang ho kayo rito. Pare-pareho pa tayong maaabala.”


“E kasi nga —”

“Tuluy-tuloy pa rin ang pagkakabit ng slab,” bulyaw niya. “Mag-iiwan ako ng tatlong kahong welding rod. Pagtiyagaan na muna kahit mali basta h’wag lang matigil ang trabaho.”

“Ganoon nga ang gagawin, ‘Gineer,” anang kapatas. “Iniutos ko na. Basta maistedi lang muna ang mga slabs…!”

Kinuha niya ang parang cellphone na walkie-talkie mula sa kanyang beywang at ini-on. “Aalis lang ako sandali, Yong! Tuluy-tuloy lang, ha?”

Ni hindi siya nilingon ng crane operator. Minamaniobra nito palapit sa tabi ng tulay ang isang slab. “Oo, sir,” narinig niyang tugon nito.

Naka-headphone at micro mic ito. “May steelmatting na ba sa bandang ibaba ng ilog? Doon na ‘ko pupuwesto pagkatapos ng isang to.”

“Nakalatag na!” aniya at ini-off ang instrumento.

SA pagkadismaya ni Edward, hindi pa rin natapos ang paglalagay ng railing sa tulay nang umagang iyon.

Tulad ng inaasahan niya, nang tawagan niya mula sa field office si Engr. Mccoy De Leon, kapatid ni Cora at project engineer nila, nagmura ito pagkat masasabon din sa main office.

“Tumiyempo na lang kayo mamayang maghahatinggabi, Edward,” sabi nito. “Pagkatapos n’yan, dito ka na lang muna uli sa opisina. Si Jerome na lang ang pakikiusapan kong pumariyan.”

....itutuloy....

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon