Chapter 44
NATULOG agad siya pagkatapos maghapunan pero nagising nang maghahatinggabi na.
Namulatan niyang nakaupo na naman sa gilid ng kama niya si cora, niyugyog siya sa isang braso.
“maymay, baba ka muna sandali…”
“Bakit?”
“Si TanTan… nagwawala sa labas. Lasing na lasing at nagbabalak magpakamatay!”“Ha?” Mulagat na napabangon siya. “Magpa-pakamatay? E bakit?”
“Bigo daw kasi siya sa ‘yo,” napapahagikhik na sabi ni cora.
“Ayaw na raw niyang mabuhay kung bigo din lang sa pag-ibig. Pakipuntahan mo nga sa swing… doon pa yata gustong magbigti!”
Magkasunod silang bumaba at nagkubli muna sa pintuan ng apartment. Nakita ni maymay na mula sa isang kahoy na pakuan ng bubong ng swing, isang dilaw na nylon cord ang nakalawit.
Nakalupasay si TanTan sa sahig, patay-lasing. Hinihila ni nikko ang isang kamay nito.
“Halika na, ‘oy,” nagtatawang sabi ni nikko. “Doon ka na lang magbigti sa atin, TanTan. Huwag dito sa swing. Ang baba ng bubong nito, o. At magagalit si Ate Cora mo pag nasira to.”
“Naaapakasakittt, Kuya nikko…” panangis ni TanTan. “Hindi ko khaya to… hindee, hindee, oh no! My God, ngayon lang ako natutuhong huumibeggg… magma’al nang tapahaat! At bigumbigo hakkoooo…! Naphhakasakit naman… arayyy!”
“Gago! Ang OA mo talaga! Naffakasakit daw…! Pwe!”
“E sa nafakashakit mo namang humawak, e! Arayyy… b-b-bitiwan mo’ng kamay ko, Kuya!”
Binitiwan ito ni nikko. Nagkahagikhikan sina maymay at cora sa may pinto.
“Doon na tayo sa bahay,” nagtatawang sabi uli ni nikko. “Mas kumbinyenteng doon ka magpakamatay. Dito, ang sikip-sikip.”
“Hayokoo… ghusto ko munang makita si maymay…!”
Lumabas si maymay. Lumapit siya sa swing. “Anong problema, TanTan?”
....itutuloy....
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...