CHAPTER 3
GALING sa restroom at pabalik na sa office table, napatigil si Mrs. Elise Joson sa tabi ng computer desk ni MayMay nang umagang iyon ng Martes, pangalawang araw ng Mayo.
“Maymay, ngayon ko lang napansin, ang ganda ng bago mong singsing, a!”
Napatigil sa pagtipa sa keyboard si Maymay. “A, ito ho?”
“Oo. “Laki ng bato. Ang mahal siguro nyan.”Pangiting sumulyap siya kay Cora, ang bago nilang section chief. Pagkuwa’y ibinalik niya ang tingin kay Mrs. Joson.
“Ito ho iyong regalo ni Edward kay Cora,” aniya. “Ayaw ho niyang isuot e ang ganda-ganda. Kaya hinihiram ko muna. Saka… ako ho ang pinagsuot niya nito nang nasa Baguio pa kami last Holy Week. Kasi, maluwag sa daliri niya at baka raw mahulog sa pagdya-jogging namin doon.” Tumingin uli siya sa kanilang bagong office supervisor na ang desk ay nasa gawing kanan niya. “Di ba, Boss Cora?”
“Oho, Aling Elise,” nakangiting tango ni Cora. “At isa pa… binigyan na ho ako kahapon ni Nikko ng engagement ring. Look… it’s simplier. Hindi gaanong malaki ang diamond.”
Napatawa si Mrs. Joson. “Simple ka lang talaga, Cora. Hayy… kawawang Engr. Barber! Nasayang lang ang mga iniregalo niya sa ‘yong basket-basket na mga roses, bila-bilaong pansit palabok… at napornada pa pala ang kanyang engagement ring.”
Napahagikhik si maymay.
“Asang-asa na siyang magiging nobya ka niya, Cora,” dugtong pa ni Mrs. Joson. “Kung bakit naman nagbakasyon lang kayo nina Nikko sa Baguio… kayo na ang nagkamabutihan.”
Nag-blush ang magandang section chief. “Aling Elise, sa umpisa pa lang ho naman e wala talaga akong gusto sa Engr. Edward Barber na ‘yon.”
“E bakit mo naman tinanggap ang singsing?”
“Ayaw ko nga hong tanggapin ang engagement ring na yan. Pero siya ho ang mapilit, e. Sabi pa nga ho niya, ‘It’s just a ring. A friendly ring or an engagement ring. Depends upon you.’ E di tinanggap ko na rin ho para naman hindi siya mapahiya.”
“Kawawa naman.”
“E talaga hong gano’n ang buhay,” ani maymay. “Kasabihan nga ho e… kung hindi sa ‘yo ukol, hindi bubukol. Hindi ho talaga sila ang magkapalad ng kaibigan ko, Aling Elise.”
... Itutuloy...
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...