Chapter 70
Nadagil siya nito nang lumampas sa kanya. “It’s all right,” aniya at binilisan na ang pag-lakad.
Binagalan niyang muli ang paghakbang nang malapit na kay maymay, at ang dalaga’y aktong magbabaling ng tingin sa kanyang direksiyon.
Nagulat ito — para bang saglit pang nahintakutan — nang magtama ang kanilang mga mata.
“You’re wrong, maymay,” aniya nang makalapit dito sa harap ng tindahang iyon. “I can easily spot you in a crowd of a million people. Faces and places change… but they remain the same like fingerprints.” Humakbang siya at nilampasan ang dalaga. “Ang usapan natin ay sa dulo… sa may barandilya.”
SAGLIT na napakurap-kurap, napapihit si maymay at sinundan ng tingin ang binata. Pagkuwa’y kunot-noo, nakapamulsa ang dalawang kamay sa jacket na sumunod na rito.Hindi naka-jogging outfit si Edward. Sa halip, pangpormal ang kulay abong pantalon nito.
May kurbata ang katernong sky-blue long-sleeved shirt. Ang kuwelyo’y litaw sa silky white jacket na hanggang beywang.
Aywan ni maymay kung dahil medyo kumapal ang buhok nito, nagmukha itong mas mature kaysa tunay na edad. Ngunit lalong gumuwapo.
Napapitlag ang puso niya at para siyang saglit na naparalisa nang magtama ang kanilang mga mata, at saglit na bumakas sa prominenteng mga panga nito ang pagtitiim-bagang.
Para siyang nagayuma nang malanghap ang men’s cologne nito paglampas sa kanya.
Ngayo’y nakapatong na ang dalawang braso nito sa ibabaw ng pantay-beywang na railing, parang tinatanaw ang hangganan ng daigdig sa likod ng nangangasul na bundok.
“I thought we’re going to run,” aniya nang makalapit sa tabi nito, inilabas na ang kahita ng singsing. “But it seems you have some place else to go. Here’s the ring.”
Malungkot itong humarap sa kanya, pareho na silang nakatagilid sa barandilya. Tinanggap nito ang munting jewelry box na kulay maroon. Ipinamulsa sa jacket.
“Thanks,” ang malamig na sabi, sinlamig ng klima ng Baguio. “Oo, pasensiya ka na. Hindi ako magdya-jogging ngayon. But I’ll stay here awhile…”
Napatungo siya. Pinigil mapakagat-labi. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. The ulterior motive. Damn it, nikko was right all along!
“To wait for someone else, maybe?” aniyang muntik nang mapasigok. “Is that what you’re going to tell me?”
“Maybe,” sagot nitong aywan niya kung bakit may garalgal din ang boses. “Someone else I can bring to McDo for a chicken dinner. I hate Max’s chicken a lot, you know. I’ve got a thank-you card for you, by the way. Here…”
.... Itutuloy.....
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...