10

1K 49 0
                                    

Chapter 10

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 10

Bumuntunghininga si nikko kasabay ang pagbubuga ng usok paibaba.

“Natural naman. Mahigit din ngang tatlong taon kaming nag-live-in. At kung hindi kami nag-away no’ng March, pakakasal na nga sana kami this coming June. Pero, maymay, nagpapasalamat talaga ako sa Diyos sa nangyari…”

Napatango siya. Madyungera at nagger ang dating ka-live-in ni nikko. Hindi marunong sa pamamahay.

Ngayon na lang pumuti ang toilet bowl sa apartment na iyon.

Pinagtulungan nilang linisin ni Cora. Nag-defrosf sila ng refrigerator. Pinaputi rin at naging parang bago uli. Gayundin ang gas range.

Pinalitan ni cora ang mga kurtina sa salas last week. Nagpabili si cora ng bagong chandellier.

Kung ilang beses nilang pinasadahan ng mop ang linolyum ng sahig.

Nag-withdraw ang kaibigan niya ng sariling pera sa ATM para lang magkaroon ng decorative plant sa loob sa apartment ng kanilang kapitbahay na iniwan ng ambisyosang ka-live-in.

Kaya siguro nga’y labis-labis ang pasasalamat ni nikko nang maging nobya ang kanyang kaibigan.

Masuwerte pa rin ang lalaking ito pagkat nang layasan ni Aura ay isang tulad ni cora ang agad na naging kapalit.

Kunsabagay ay hindi kataka-takang magka-gustuhan agad sina nikko at cora.

Noon pa niya halata na may lihim na gusto ang kanyang kaibigan kay nikko, kahit na nga akala nila noong una ay asawa na nitong tunay si Aura at hindi ka- live-in lang.

TUMUNOG ang doorbell mayamaya. Si nikko ang nagbukas ng pinto. Sumunod si maymay rito pagkat tapos na ang paghuhugas niya ng pinagkanan.

Ang nag-doorbell ay si cora.

“maymay, suot mo pa ba ang singsing?” tanong nito nang makita siya. Nakapasok na ito sa salas. “Kasi gustong bawiin ni Mrs. Barber.”

Nagkatinginan sila ni nikko. Nagkatawanan.

“Don’t misunderstand Mrs. Baber,” ani cora na napatawa rin. “Binabawi niya ang singsing na yan pero pinapalitan ng mas mamahalin — or as she said so.”

“Bakit naman daw, cora?” ani nikko.

“For sentimental reason. Pamana pala ‘yan ng lola ni Edward sa daddy niya. At ‘yan daw ang naging engagement ring nina Mr. and Mrs. Barber.

Naniniwala sila sa isang superstition, nikko. Kapag daw napunta sa di kinauukulan ang singsing na ‘yan ay mamalasin ang buong angkan. So –”

“maymay, hubarin mo na ‘yan,” nakangiting baling sa kanya ni nikko. “And,” — tumingin ito kay cora — “huwag mo na lang tanggapin ‘yong ipapalit.”

...itutuloy...

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon