35

903 49 1
                                    

Chapter 35

NAPAPAYAG siya ni Edward na ito pa rin ang muling sumundo at maghatid sa kanya sa Circle para mag-jogging nang sumunod na Linggo.

Sa circumferential lane naman na nasa labas ng bakod sila tumakbo nang umagang iyon.

“Ang laki na talaga ng ipinayat mo, a!” pag-uulit ni Edward sa sinabi nito kaninang sunduin siya sa bahay.

“Mas slim ka pa ngayon kesa noong una tayong magkita.”

“Oo na,” aniyang humihingal na agad pagkat mahigit nang sampung minuto silang tumatakbo. “Pero bakit nga hindi pa rin matanggal ng sabon o langis sa buhok ang singsing na ito sa daliri ko?”

“I told you, maymay. Noon pa man ay hindi na talaga kasya sa daliri mo ang singsing na iyan. Napilit mo lang maisuot. Kung titingnan mong mabuti, hindi talaga eksaktong patulis ang ating mga daliri…”

Pumahinga si Edward sa pagsasalita pagkat humihingal na rin. “Sa bahaging malapit sa palad,” pagpapatuloy nito mayamaya, “bahagyang lumiliit ang buto although more fleshy kaya parang malaki. Look at your finger and see what I mean…”

Tiningnan niya at hinipo ang kanang gitnang daliri, sa bahaging malapit sa palad. “Yes, you’re right, Edward. Medyo maliit nga ang buto rito pero malaman.”

“See? Pero patungo sa gitna, biglang papalaki naman ang buto, di ba? Ang nangyari’y lumusot ang singsing sa pang-gitnang buto pagkat mula sa fingertip, gradual ang paglaki ng daliri. Hindi ka nahirapang isuot.”

“Nahirapan din,” aniya. “Kaya lang —”

“Hindi gaanong masakit pilitin mang isuot pagkat mas dikit sa buto ang laman, right?”


“Oo nga.”

“Pero paglampas sa gitnang buto patungo sa may palad, biglang liit ng buto pero kumapal naman ang laman. Ang nangyari, parang nahuli sa bitag ang daliri mo. Madali mong naipasok sa singsing, mahirap namang ilabas. But don’t worry, matatanggal din yan kapag pumayat ka pa.”

Tulad noong two years ago? Oh, no! “Inip na inip na ‘ko,” aniya. “Hirap na hirap na ‘ko.”

“I’m sorry.”

“Gabi-gabi halos, binabangungot ako.”

“What do you mean, maymay?”

Tumigil siya sa pagtakbo. Naglakad na lang siya at tumingin sa lane. Sinabayan siya ni Edward.

....itutuloy....

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon