Chapter 42
yong dampi ng halik sa kanyang mga labi?
A friendly kiss?
Biglang nagtagis ang kanyang mga bagang. Tarantadong Edward ‘yon, a! Bakit sa labi pa niya ako hinagkan e alam naman niyang nagdadrama lang kami ke TanTan?
Napabuntunghininga siya. Para pa rin niyang nararamdaman sa mga labi ang halik na iyon ni Edward, na kumbaga’y patak ng hamog sa isang rosas na napawalay sa karamihan, kaytagal nang walang pumapansin, sa nagdaang dalawang tag-araw.
Bakit parang pinapaibig nga niya ako? pag-tataka niya sa isip. Para labis na masaktan lang kapag nagtagumpay siya? Ito ba ang naisip niyang paraan para magantihan si cora?
Bigla, napamulat siya at tumayo. Naniningkit ang mga matang pumanhik na siya at nagkulong sa kanyang kuwarto.
Nang masulyapan ang stationary bike, kahit pagod pa sa pagdya-jogging kanina ay sumakay siya roon at ini-adjust ang timer, gayundin ang friction belt na nagpapabigat o nagpapagaan sa pagpedal.
Isinet niya ang timer sa 30 minutes. Sa kanyang relo, mahigit pang kuwarenta minutos bago mag-alas-dose ng tanghali.
Ipinangako niya sa sariling tatlong soda crackers at isang hiwang pritong karne ng baka lamang ang magiging tanghalian niya sa araw na iyon.
Ipinangako rin niya sa sarili na sa loob lang ng susunod na isa o dalawang linggo ay ibabalik niya ang dating pigura ng kanyang katawan.
Tarantado ka nga siguro, Engr. Edward Barber ! nagngingitngit niyang naisaloob.
Para ngang ayaw mong mahugot sa daliri ko ang singsing na ito. You want me to take my time.
Gusto mong manatili akong tabatsoy at paiibigin mo nga siguro ako para lang basagin ang puso sa dakong huli. Hah! Over my dead body’.
Binilisan niya ang pagpipedal. Hinigpitan pa ang friction belt. Sa isip niya’y wala na ngang puwede pang magpatibok ng kanyang puso upang muling umibig at masaktan.
Hindi na mababago ang kanyang motto: Be happy – don’t ever catch the love virus again!
Pero ikinagalit niya ang suspetsang baka nga gumaganti lang kay cora si Edward. Kumbaga’y sa kabayo ang hataw, sa kalabaw naman ang latay.
Tingnan natin, Edward kung sino ang babasag ng kaninong puso sa dakong huli! Mapa-patunganga ka sa beauty ko at mai-in-love ka sa akin a week or two from now, damuho ka!
....itutuloy...
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...