58

856 41 1
                                    

Chapter 58

NA-BULLDOZER na ang pagtatayuan ng bagong gym sa project site. Nahukay na ang paglalagyan nila ng footing at pundasyon.

Nanood nga lang siya kay mcOy. Pero hindi rin niya naiwasang magbigay ng suhestiyon at makaisip ng sariling mga ideya.

Kaya nang Biyernes na iyon, habang sakay sila ng pick-up van na minamaneho ng kanilang company driver, patungo sa isang night spot sa Session Road, tinapik siya ni mCcoy sa isang hita at sinabi:

“Edward, palagay ko’y puwede na kitang iwan dito. Kayang-kaya mo na pala, e. After this, gagawin na kitang project engineer.”


Parang hindi pa siya makapaniwala. Totohanin mo ‘yan, ha? Sige… sagot ko na ang lakad nating to ngayon!”

“Ikaw, e,Uuwi na muna ako. Babalik ako makaraan ang Independece Day.”

“Lunes ang Independence Day,Ibig mong sabihi’y pagtatrabahuhin ko ang mga tao hanggang sa Lunes?”

“Magbubuhos na kayo ng semento bukas ng hapon Deretso ‘yon hanggang Linggo ng gabi. Kung matatapos agad, pahinga muna nang Lunes. Kung gusto mo’y umuwi ka rin muna sa Lunes at manood ng parada sa Luneta…” Tumawa si Dante. “Pero kailangang narito ka na uli sa gabi.”

Napasabad sa usapan ang kanilang drayber. “Gamitin mo na itong sasakyan, Boss Edward. Para makauwi rin ako sa Lunes nang me overtime.”

Tumango siya. “Tingnan ho natin, Mang Ric.”

UMINOM lang sila ng tigatlong beer at nanood sandali ng floor show sa night spot na iyon.

Naggagandahan ang mga dancers at GRO. Okey ang banda na nagpi-perform.

Pero mas enjoy pa si Edward sa pag-inom at pagkain ng pulutan nilang kalderetang baka. Wala siyang hilig mag-beerhouse.

Lihim pa siyang natatawa sa sarili pagkat habang pinanonood ang mga sexy dancers, ang laman ng isip niya ay si maymay.

Alam na niya kahapon pa na nahugot na sa daliri ni maymay ang singsing. Pagkat nag-long distanee siya kay maymay sa opisina ng mga ito.

At ngayon, nangingiti siya habang binabalikan sa isip ang naging takbo ng kanilang usapan:

“Kasingseksi na ako ni Kim Chui,” pabirong sabi ni maymay. “Baka hindi mo na ako makilala pagpunta ko dyan sa June 18. That’s a Sunday. Pero Sabado pa lang ng gabi, nariyan na ako. Susunduin ako ni Kuya mula sa bahay namin sa Urdaneta.”

.... Itutuloy....

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon