8

1.1K 51 0
                                    

Chapter 8

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 8

KASALO nila si Nikko sa paghahapunan nang gabing iyon, pasado alas-siyete na. Ito ang nagyaya na sa apartment na lang nito sila maghapunan.

Bumili ito ng ulam sa isa nilang kapitbahay na ang harap ng apartment ay may fried chicken stand.

May kanin na pagkat bago sila umalis kaninang umaga patungong trabaho ay nagsaing ito sa automatic rice cooker.

Ininit nito sa microwave ang isang platong ginataang langka, natirang gulay kagabi na si maymay ang nagluto.

“Hindi na talaga ako sanay kumain nang nag-iisa,” sabi nito nang kumakain na sila. Bumaling ito kay cora. “Anong oras kamo darating si Mrs. Barber?”

“Alas-otso.”

Tumingin si maymay sa suot niyang relo. “Seven thirty-four,” aniya.

“That’s half an hour to go before eight, cora. Dito na lang ako manonood ng TV mamaya, ha, nikko?”

“Oo,” ani nikko. At pabirong sinabi “But wash the dishes first.”

“You don’t have to remind me,” aniya.

“Sweetheart,” baling ni nikko kay cora, “Magtatagal kaya si Mrs. Barber?”

Umiling si cora. “Ewan ko. Hindi siguro. Gusto raw lang naman niya akong makita at makausap nang personal, e. Bakit, nikko?”

“Gusto ko sanang mamasyal tayo sandali sa Rizal Park o kaya’y sa PICC mamaya.”

“Sige, para makasagap naman tayo ng sariwang hangin. Sama ka, maymay?”

Umiling siya. “Pagkatapos kong manood ng TV, me gagawin pa ‘ko sa computer ko.”

Ang totoo’y gusto sana niyang sumama. Pero baka maging “killjoy” lang siya sa mga ito.

Dalawang linggo pa lang na mag-steady sina cora at nikko, at laging sabik na magkaroon ng pribadong mga sandali ng pagkakasama.

Ano naman ang gagawin niya kung sasama siya sa mga ito sa pamamasyal? Bumuntut-buntot?

HINDI pa tapos si maymay sa paghuhugas ng mga pinagkanan nang puntahan siya ni nikko sa kusina.

“And’yan na si Mrs. Barber,” sabi nito. “Wala siyang kasama. Mag-isa siyang bumaba ng taksi.”

.... Itutuloy....

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon