Chapter 23
Umiling ito. “What do you get when you fall in love? Puro sakit lang ng ulo.”
Siguro’y broken-hearted ang babaing ito. “Sino bang tarantadong lalaki ang bumasag sa puso mo at ganyan ang attitude mo towards love?”
“Edward, I don’t want to talk about it. Let’s change the topic, okay?”
“Okay. Sorry.” Broken-hearted nga.
“MANIWALA naman ako sa yo na hindi marunong gumawa ng calling card sa computer ang Edward na yon!” natatawang sabi ni Cora kinagabihan. Nanonood sila ng isang palabas sa TV sa may salas matapos maghapunan. “Gimik lang niya yon.”
“Gimik para ano?” ani maymay.
“Para magkausap kayo at magtanong ng kung anu-ano tungkol sa amin ni nikko. Ano ba’ng mga itsinismis mo sa lalaking yon, maymay?”
Napairap siya sa kaibigan. “Hindi naman ako tsismosa, ‘no? Ipinaliwanag ko lang sa kanya kung bakit bigla na lang kayong naging mag-on ni nikko samantalang ang Edward namang iyon ang naunang nanligaw sa ‘yo.”
“You dont have to explain anything to Edward, maymay.”
“Ano naman ang magagawa ko e inurirat niya ako tungkol doon?”
“Napakabobo naman niyang engineer kung paggawa lang ng calling card sa computer e di siya marunong.”
“Okey, gumigimik nga lang siguro ‘yon. Baka gusto lang niyang makatiyak na nakaistak pa rin dito sa kamay ko ang singsing.” Pasarkastikong idinugtong niya. “At baka may suspetsa ‘yon na hindi ko na talaga ito gustong isoli pa.”
“A, hindi naman siguro gano’n,” ani cora. “Ang mas gusto kong paniwalaan e… ‘yon nga. Gusto lang niyang malaman kung ano ba talaga ang nangyari at si nikko ang sinagot ko. Kumagat ka naman agad. Hindi ka man lang nagpaalam sa ‘kin kaninang umalis ka para makipag-lunch date sa kanya.”Nasaktan siya sa insinuation ni cora. Alam niya ang nasa isip nito. Basta tungkol sa pagkain, mahirap siyang tumanggi. At hindi siya nagpaalam dito kanina pagkat alam niyang pipigilin siya nito.
Ito ang lagi nang pumipigil sa kanya kapag sumisige na naman siya sa katakawan.
Katulong si nikko, gusto nitong madisiplina ang kanyang eating habits.
At hindi lang para maalis na nga sa daliri niya ang singsing. Gusto ng kaibigan niya na mabalik na siya sa dati.
.....itutuloy......
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...