Chapter 37
ALAS-DIYES, umorder ito ng hamburger para sa sarili, sa Tropical Hut, isa sa mga eateries sa loob ng Circle, at para naman kay maymay ay fruit salad minus the cream: melon, papaya, pinya, pakwan, ubas at mansanas. Ipina-blender ni Edward ang buko at iyon ang ipinalit sa cream.
“Sigurado kang low-calorie food ito?” tanong ni maymay.
“Oo naman. Pang-cleansing diet nga ang mga prutas, e. Siyanga pala, madedestino ako sa Baguio starting next week.”
“Me proyekto kayo roon?”
“Oo. Kasama ko ang kapatid ng kaibigan mo.”
“A, si mcCoy? Baka magkita silang magkapatid sa Bulacan mamaya. Uuwi sila roon, kasama si nikko, para dumalaw sa mga parents nila. Hanggang kelan kayo sa Baguio, Edward?”
“Two weeks lang sana. Pero nagbago’ng isip ni mcCoy, e. Tatlong linggo na raw kaming mag-i-stay roon.”
“Di ba kayo puwedeng umuwi on weekends?”“Siya, puwede. Pero ako’y hindi. Puro pagbubuhos kasi ng aggregate — masang semento — ang malaking bahagi ng trabaho. Isang gym sa Camp John Hay. Flooring pa lang, mahihirapan na kami. Hindi patag ang ground doon, di ba? Mahirap tantiyahin ang bolyum ng aggregate.” Lumagok ito ng softdrink bago nagpatuloy. “Kapag naumpisahan ang pagbubuhos ng semento, hindi puwedeng basta itigil. Otherwise, baka maampaw.”
“A, oo,” aniya. “Alam ko ‘yan. No’ng ginagawa ang bahay namin sa Urdaneta, me isang haliging kinapos ng semento. Nagpamasa uli ang foreman kahit gabi na. Ayaw niyang magkaroon ng parang dugtong ang haligi.”
“Right,” ani Edward. “Kapag madalian ang trabaho at may deadline, kahit araw ng pangilin ay tuluy-tuloy lang, lalo na nga kung concreting.”
“Well… ayaw mo ba n’on?” Ngumiti siya nang maluwang kay Edward. “Masarap mag-stay sa Baguio. At baka magkita tayo roon. Kasi, doon na nakatira ang Kuya ko. Nakabili sila ng bahay roon last April.”
“Talaga?”
“Oo. Malapit nga lang ang bahay nila sa Camp John Hay, e. Mga half a kilometer south of it, paibaba. Pag dumalaw ako sa mamang ko sa Urdaneta, tutuloy na rin ako kina Kuya sa Baguio.”
“E kelan ka ba dadalaw sa mamang mo?”
“Maybe next month.”
“Mas masarap mag-jogging sa Baguio, maymay.” Ngumiti rin nang maluwang sa kanya ang binata. “One weekend next month, doon naman tayo.”
“Sige.”
....Itutuloy….
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...