Chapter 53
“… because you’re a little bit drunk and I don ‘t want you to get hurt. Okay?”
Tumango siya. “Yes, I will.” Akala ko ‘Take care because I care’ na. Pero… gano’n na rin ‘yon!
GUSTONG mapahagikhik ni maymay paglapat ng likod niya sa kutson ng kanyang kama.
Kaninang nasa disco pub pa sila ni Edward, sa tuwing magpapahinga sila sa pagsayaw ay lagi na lang itong nakatitig sa kanyang mukha.
Parang lagi nitong inaaninag ang mukha niya sa dim-lighted na lugar. At aywan niya kung dahil nakainom, panay ang pagsasabi sa kanya nito ng, “Don’t you know that you’re so beautiful?”
Sa palagay niya’y na-impress niya ang binata sa kanyang mahusay na pagsasayaw.
Madalas ngang sabihin ni nikko na very graceful daw siyang sumayaw kahit siya mataba. At nagtataka sa kanya ang binata, hindi alam na talagang mahilig sila ni Cora na sumayaw kaya siguro nasa college pa lang ay naging magkaibigan na sila.
Lalo silang naging magkalapit ni Cora nang makabili ng bahay sa Bulacan ang mga magulang nito.
Naiwan kay Cora ang apartment at naging magka-share sila.
Nangungupahan din lang ng apartment sa Kamuning ang kuya ni Cora at ang asawang si Maris.
Hindi lang siya kilala ng buong pamilya ni Cora. Parang kabilang na rin siya sa pamilya kung ituring ng mga ito.
Kayat may posibilidad ngang baka sa kanya gumaganti si Edward dahil sa pagkabigo nito sa kanyang matalik na kaibigan, pinaniniwalaan na niya ngayon.Sinadya niya kaninang muling payagan si Edward na hagkan nang padampi ang mga labi niya.
Inuumpisahan na niyang akitin, pahangain at paibigin ito. Magpapapayat pa siya. Magpapaseksi. At kapag nagkamaling magtapat sa kanya ng pag-ibig ang binata, lumalagapak na “NO, I’M SORRY” ang isasagot niya.
Pero… paano naman kung talagang sincere siya sa akin?
Magtigil ka nga, Maymay
!Para kang sira!
“Be happy,” anas niya nang bumiling at sumubsob sa kanyang unan. “Don’t ever catch the love virus again!”
....itutuloy.....
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...