Chapter 36
I’m having nightmares,” aniya. “Believe it or not. Naroong mapanaginipan kong kumakain ako ng paborito kong ube cake. Tapos, biglang aagawin ng aso. Naroong pinipilas ko raw ang isang tainga ng litsong baboy. Tapos, biglang nabuhay ‘yong litson at hinabol ako! If those were not nightmares, what do you call them— sweet dreams?”
Sa nadamang habag ay naiakbay ng binata ang isang bisig sa kanya. Kinabig siya nito. “I’m sorry, ” sabi nito. “Kung ako nga ang masusunod, hindi ko na kukunin ang singsing na ‘yan. So you won’t have to go through dieting at all. Maganda ka naman kahit mataba. Besides, it’s just a ring, you know. It could be a friendship ring or — oh, here I am again!”
Nagtatawa, nanunudyong inulit niya at itinuloy ang gustong sabihin ng binata: “It could be a friendship ring or an engagement ring. Depends upon you.” Kasunod niyon ang malakas na pagtawa. “Hindi tumalab ke Cora ang gimik mo, pare ko!”
Biglang inalis ni Edward ang braso nito sa pagkakaakbay sa kanya. Ipinamulsa nito ang mga kamay at walang imik na nagpatuloy sa paglalakad, nakatungo.
Napahawak siya sa isang bisig nito. “Hoy, napikon ka ba? Accept it… just accept it. Hindi talaga kayo ang magkapalad.”
Tumango ito. “Yeah, tinatanggap ko na ‘yon.” Huminga ito nang malalim. “Pero bakit kailangang bawiin ko pa ang singsing na ‘yan? Puwede naman talagang friendship ring lang ‘yan. And I mean it.”
Inugoy niya ang braso nito. “Mamalasin daw ang inyong angkan kapag napunta ito sa di kinauukulan.”
“Kalokohan lang ‘yon!”
“Sabihin mo nga iyan sa mommy mo, aber?”
Pangiting tumingin ito sa kanya. “E di binatukan ako n’on? Halika na… tumakbo na uli tayo.”
Nagpatuloy sila sa pagdya-jogging.
....itutuloy....
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...