Chapter 33
MAKARAAN lang ang tatlong araw, parang matagal at dati nang kakilala nina maymay ang guwapong pinsang-buo ni nikko.
Huwebes ng gabi, kapartner ito ni maymay sa paglalaro ng scrabble laban kina nikko at cora.
“Talo na yata tayo,” sabi ni Tantan nang ang huling itira nito ay umiskor lang ng 11 points.
“Bakit ‘yon ang inilagay mo? Wala ka na bang ibang maitira?”
“Gimik ko lang ‘yon, maymay,” sabi nito. At inilapit nito sa mukha niya ang ulo. Pabulong, “Na ke Ate cora yong letter Z. Kaya tinakpan ko ‘yong letter O. Baka kasi mailagay sa tripple letter kung ma-form niya ang word na ‘ooze’.”
“A, gano’n ba?” anas din niya. “Good.”
“Sabi ko sa yo, inspired akong maglaro ngayon dahil ikaw ang kapartner ko, e.”
“Ow?”
“Yes. Kasi…” Bahagya nitong kinuyom ang kanang palad, idinikit sa mga labi, inilapit sa isa niyang tainga at hininaan pa ang boses. “Kasi, maymay, I love you.”
“Tarantado!” napapahagikhik na naisigaw niya. “Naku, TanTan — sasakalin na kita d’yan!” Tumayo siya at hinarap ito. “Wala ka nang alam lokohin kundi ako, ha! Teka nga —”
Nagtatawang tumayo ito at tumakbo patungong kusina. “Ate Cora, o! Sasakalin daw ako!”
“Bakit, maymay?” natatawang tanong ni Cora. “Ano na naman ba ang ibinulong sa ‘yo ng lalaking yan?”
“Pinagpapraktisan akong digahan!” aniyang bumalik na sa kanyang sopa. “‘Alang magawa!”
“TanTan, hindi katalo si maymay, ha?” ani nikko habang naglalagay ng mga tiles sa board. “Parang kapatid ko na rin yan.”
“Hindi ba tayo puwedeng maging parang magbayaw naman, Kuya nikko?” anang binata na bumabalik na rin sa upuan. “Type na type ko kasi ang beauty niya, e. Ang cute!”
“Ay, sorry, TanTan,” ani maymay. “Me boyfriend na ‘ko. Kita mo tong singsing na ‘to?” Ikinumpas niya ang kaliwang kamay sa harap nito. “Engagement ring namin to.”
“I don’t believe it,” ani TanTan. “Apat na araw na ‘ko rito, hindi ko man lang nakikitang me dumadalaw sa ‘yo. Saka… hindi ganyan ang engagement ring, ‘no? Ang laki-laki naman ng bato niyan! Tingnan mo ‘yong ke Ate Cora… simple lang.”Napailing siya. May duda siyang hindi nagbibiro lang si TanTan. Talagang infatuated ito sa kanya.
“Kung ayaw mong maniwala,” aniya, “di… h’wag!”
....itutuloy...
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...