31

916 49 0
                                    

Chapter 31

I see,” ani maymay. “Saang side mo pinsan itong mag-inang Baninay at Tanner, nikko?”

“Sa father side. Five years nang biyuda si Tiya Baninay. Dalawa lang ang naging anak niya kay Tiyo Dado ko. Conrado rin iyon. Ang panganay nila ay si Myrna, nasa Singapore. DH doon. At ang pangalawa nga ay si Tanner. Si Myrna ang susuporta kay Tanner sa pagko-kolehiyo. Dating tindera sa bakery si Tiya Baninay pero ngayo’y wala nang trabaho. Kaya kukunin ko na lang maid-labandera — dahil nagpiprisenta, e.”


Nakangiting tumingin si Maymay sa kaibigan. “Cora, mababawasan na rin ang mga labahin natin, ano?”

“Oo nga,” ani cora. “At me tagapagluto na rin si Nikko ng almusal.”

“Huwag n’yong sabihing hindi n’yo na ako papayagang makisalo sa inyo sa pag-aalmusal,” reklamo agad ni nikko. “I like maymay’s hot cake and your maruya a lot, Cora”

“Atsows!” ani maymay. “Talaga ‘kamong lagi mo lang gustong makasabay sa pagkain si cora.”

“Yes,” ani nikko. “‘Yon pa nga ang isa. O, bakit uminom ka na, maymay? Tapos ka na bang kumain?”

Tumango siya. “Nakakawalang gana naman itong tortang itlog, e.”

“Ang daming natirang kanin sa plato mo,” puna ni cora. “Naku, kapag hindi ka pa pumayat niyan, something is certainly wrong with your metabolism.”

Inilagay niya sa harap ng kanyang mukha ang likod ng kanyang kaliwang palad. “Nabawasan na uli ng isang guhit ang timbang ko,” aniya. “Kumakati na ang munting sugat ko sa daliri. Gumagaling na. Siguro, after three days more e matatanggal ko na rin sa daliri ko ang singsing na to.”

Bumaling si cora kay nikko. “Pumapayat na nga siya, nikko. Look at her.”

Tumingin sa kanya si nikko at tumango. “Medyo nga napa-flat na ang mga pisngi mo. Lalo tuloy tumangos ang iyong ilong. Kung ako sa yo, kahit matanggal na ‘yang singsing na ‘yan sa daliri mo, itutuloy ko’ng pagda-diet.”

Ngumiti lang siya.

....Itutuloy….

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon