Chapter 66
Napabuntunghininga na lang siya. “It’s all right, Mom. Hindi naman ho masasabing nasulot uli ako this time. Kasi, hindi pa naman ho ako pormal na nagtatapat sa kanya.”
“Good!Kalimutan mo na lang ang babaing yon! Don’t ever see that girl again after taking back the ring!”
“Of course,” nasabi na lamang niya nang buong kapaitan. “Yes, of course.”
TARANN – TARANN… tararannn… tantannn… taraaa – raannn… tarara – ra – raranann…
Natatawang dumapa sa pagkakahiga sa kama si maymay. Ibinaon niya ang mukha sa malambot na unan.
Dinig niya sa kanyang kuwarto ang pagtugtog ni TanTan ng harmonica nang gabing iyon.
Magkatapat kasi ang kanilang kuwarto, pader na dingding lang ng dalawang apartment ang pagitan. At nakabukas ang kanyang bintana.
Sira talaga ang TanTan na to. Hunyo pa lang, tinutugtog na agad ‘yong You’re All I Want For Christmas!
May kumatok sa pinto. “maymay…”
“Hindi naka-lock yan, Cora.”
Pumasok si Cora, tuluy-tuloy sa kama niya. “Ipod ka nga…”Umipod siya. Nahiga sa tabi niya si Cora. Napatawa rin nang marinig ang pamaskong himig na tinutugtog ni TanTan.
“Ang aga naman niyang magkaroling.”
“Oo nga,Ano bang oras na?”
“Pasado alas-nuwebe. Maymay, tuloy ba’ng lakad mo patungong Baguio bukas?”
“Sa Urdaneta muna ako pupunta.”
“Pero tutuloy ka rin sa Baguio?”
“Oo. Me usapan nga kami ni Edward. Bakit, Cora?”
Bumuntunghininga si Cora. “Wala siyang masamang intensiyon. Naniniwala kami ni Nikko na mahal ka niya. And I personally believe that he wants you for a wife.”
“Si Edward?”
“Yes.”
..... Itutuloy......
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...