Chapter 68
MINES VIEW PARK, Hunyo 18, mag-iikasiyam ng umaga.
I won’t miss him, naisaloob ni maymay habang kunwari’y tumitingin ng mga souvenir items sa harap ng isang stall sa tabi ng daang iyon, kalinya ng iba pa.
Wala siyang ibang dadaanan kundi ang lugar na ito patungo sa mga railings sa bingit ng bangin.
Naroon na siya labinlimang minuto pa bago mag-alas-nuwebe. Nagpahatid siya sa pick-up van na dala ng kanyang Kuya hanggang sa pasukan ng mga tao sa pamosong liwasang iyon.
Sinuwerte sa pag-aahente ng iba’t ibang industrial chemicals sa Nothern Luzon, sa Baguio na tumitira ang kuya niya.
Kahit maaga pa’y bumabaha na ang mga tao at turista sa lugar na iyon. Mga agos ng tao na nagkakasalubong, patungo sa may cliff at paibaba sa entrada ng park.
Tulad ng iba pang lugar sa siyudad, ang Mines View Park ay foggy nang umagang iyon.
Nagmukha siyang mas bata nang talian niya ng white ribbon sa likod ng ulo ang kanyang light brown hair.
Parang naging hugis puso kasi ang kanyang mukha sa pagkawala ng taba sa kanyang pisngi. Sapagkat nabalik na ang dating lantik ng beywang, lalo nang nagmukhang mataas ang kanyang mga dibdib.
Nakaparagan kasi sa kanyang white shorts ang baby pink shirt-blouse.Nakapamulsa ang kanang kamay sa kanyang white silk jacket na ang kahabaan ng manggas ay may stripe na yellow, humakbang siya nang mabagal patungo sa kasunod na souvenir item store.
Sinalat niya ang munting jewelry box sa bulsa ng jacket. Sa paghakbang ay tumitingin siya sa ibaba pagkat parang malalapad at mababang baitang ang mga adobeng nakalatag sa pavement.
Paghakbang tungo sa kasunod na adobeng baitang, nahakab pa sa kanyang shorts ang mabibilog at mapuputi niyang hita. Tumanaw siya sa dulo ng maluwang na daang iyon.
Di kalayuan sa isang puno na may mga upuang semento sa ilalim, abala sa pagbibenta ng nilagang mais ang isang vendor habang sa di kalayuan, ilang turistang banyaga ang nagpapakuha ng litrato, sakay ng dalawang kabayong puti na pinauupahan para sa ganoong layunin.
Napangiti si maymay. Marami nang beses na nagpa-picture taking sila roon ni cora, sakay ng mga kabayong iyon.Banda roon pa, sa likod ng eksenang iyon, ay ang mga sementong railing sa bingit ng bangin. Kinortehang parang mga trosong ginagamit na pambakod sa mga rantso.
.......itutuloy.......
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...