26

919 46 1
                                    

Chapter 26

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 26

NAG-LUNCHDATE nga uli sila ni Edward nang Sabadong iyon. This time, sa Peacock Restaurant, Greenhills.

Soup, steak with bread and orange juice lang para sa dalawa ang inorder ni Edward.

“Nagpakagastos ka pa nang todo para lang magkaroon ng panggawa ng calling cards sa computer mo,” pagbibiro niya nang kumakain na sila. “Kung umorder ka na lang sa mga commercial printshops, mas nakatipid ka pa.”

“Initially, yes,” ani Edward. “Pero magagamit ko ang ginawa mong program —”

“It’s not aprogram, Edward. Dalawang pahina lang ‘yon ng Microsoft Word na bawat isa’y me walong exact copies ng calling cards for printing.”

“Okay, whatever. Pero magagamit ko yon for the rest of my life, di ba?”

“Of course. For as long na uso pa ang mga calling cards, magagamit mo iyon. Kapag sa ibang kompanya ka na nagtatrabaho, babaguhin mo lang ang logo, phone number, etc. You can copy it into your PC. Magagamit mo iyon as a template.”

“So hindi ako nagpapakagastos lang, maymay,” natatawang sabi ng binata. “At puwera pa sa panggawa ng calling cards, nagkaroon din ako ng bagong kaibigang tulad mo.”

“Dati na tayong magkaibigan, ‘no? Mula pa nang makalaro kita sa scrabble noon, nang una mong ihatid si cora pauwi sa aming apartment.”

Umiling si Edward. “We were just acquaintances then. Now… I want you as a friend — at least.”


Bolero talaga ang lokong to! naisaloob ni maymay habang ainusupil sa mga labi ang isang ngiti. I want you as a friend — at least. Ano’ng ibig niyang sabihin niyon? Bakit me ‘at least’ pa?

“What do you say, maymay?”

“Oh, well… okay. Sige, friends na tayo.”

“How’s your ah… dieting?”

“Okey naman. Nabawasan na uli ang timbang ko since the last time we met. Tuluy-tuloy ang pagwo-workout ko sa bike. At bukas… magdya-jogging ako sa Quezon City Memorial Circle o kaya’y sa Rizal Park.”

.... Itutuloy...

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon