17

957 51 1
                                    

Chapter 17

"Matagal pa siguro bago ako maghanap.” Inimadyin niya ang mukha ng kausap sa telepono at naramdaman niyang parang gusto niya itong makita nang personal. “Siyanga pala, maymay…”

“Yes?”

“Marunong ka bang gumawa ng template na pang-calling card?’

“Hindi na kailangan ang template do’n, Edward. Kahit one-page copy lang e puwede na. I-print mo lang nang i-print.”

“Ow?”


“Oo. Gusto mo igawa kita? Me gagamitin pa bang logo?”

“‘Yong logo rito. Bibigyan kita ng diskette copy ngayong lunchtime. Ililibre na tuloy kita sa lunch —”

“Naku, tinu-torture mo naman ako, e! Alam mo namang nagda-diet ako ngayon. Bawal sa akin ang kumain sa labas, Edward.”

“Steak and bread lang, maymay. And… one scoop of ice cream. Konting calorie lang naman ‘yon.”

“Pero m-may ice c-cream, e.”

“Diet Coke na lang?”

“Well…”

“Susunduin kita d’yan at twelve, okey? Dadalhin ko na ‘yong scanned copy ng aming company logo. Sa SM Megamall lang naman tayo kakain.”

“S-sige na nga. Pero huwag ka nang pumanhik dito sa sixth floor. Hintayin mo na lang ako sa first floor lobby.”

“Sure. Sige, I’ll see you there.”

Pagbalik sa kanyang desk, kinopya niya sa isang diskette mula sa computer niya ang logo ng Countrywide Builders Inc.

Ang totoo’y may panggawa na siya ng calling card sa kanyang computer.

Wala lang siyang maisip na dahilan para mayayang mag-lunch si maymay.

Natatandaan pa niya ang sinasabi ng kanyang mommy kinabukasan ng araw na manggaling ito kina maymay: “Nagagandahan ako sa maymay na iyon kahit medyo me katabaan nga. Para siyang kamukha ng Tita Aura mo, di ba?”

....itituloy....

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon