Chapter 13
"STATIONARY bike!” nagtatawang sabi ni nikko nang makaalis na si Mrs. Barber at ito’y lumipat sa apartment ng mga kapitbahay.
“Okey nga ‘yon. Maymay, makikigamit din ako, ha?”
“Hindi talaga sa akin yon,” aniyang tumingin kay cora. Katabi ito ng binata sa mahabang sopa nila. “Sa ‘yo ‘yon, di ba? Pagkat kapalit yon ng singsing na ‘to.”
Inakbayan ni nikko ang nobya. “Hindi mo na kailangan ng stationary bike, love. Kami na lang ni maymay ang gagamit. Tumataba na rin ako, e.”
“E pa’no namang hindi?” ani cora. “Tumatakaw ka na rin at walang tigil sa kaiinom ng beer araw-araw.”
“Okey lang ang metabolism ko,” ani nikko. “Ang kailangan ko lang ay exercise. I don’t have to undergo dieting.”
Napasimangot si maymay. Napatingin sa suot na singsing. “Putris na singsing to… mawawala pa ang tanging kaligayahan ko sa buhay dahil dito.”
Napahagikhik si cora. “Palitan mo na ng iba ang kaligayahan mo sa buhay,” sabi nito. “Kasabihan nga, ‘Hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao.’ And we eat to live, not live to eat.”
Pabirong itinanong niya kay nikko: “Brod Pete, este, Brod nikko, yon ba’y nasusulat sa aklat ng ‘Ang Dating Doon?’”
Nagkatawanan sila dahil sa pagtukoy niya sa segment na iyon ng isang TV sitcom.
“Oo, kapatid,” ani nikko. “Yan ay nasusulat. Kaya magtika — este, magdiyeta ka na! Mula bukas, ang aalmusalin mo e isang pandesal at ‘sang tasang kape na lang.”“Oh my God!” aniya. “Ngayon pa lang e ginugutom na uli ako!”
....Itutuloy….
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...