Chapter 25
At nagising siyang hilakbot na hilakbot. “Oh God! What a nightmare!” nasambitla pa niya, tulad noong bata pa siya sa tuwing magigising sa pananaginip ng tungkol kay Dracula, o kaya’y tungkol sa isang serial rapist na kamukha ng yumaong actor na si Max Alvarado.
Lately, nasasabi na lang niya sa sarili nang pabiro: “Kung totoong me impiyerno, ito na siguro yon!”
Mahigit na ngayong dalawang linggong isang pandesal lang ang almusal niya.
Pakiramdam niya’y pinarurusahan siya nang walang kasalanan — at sa impiyerno pa.
Ngayon niya naisip na ang bawat tao marahil ay may kani-kanyang impiyerno.
Araw-araw mula pa noong nagdaang linggo ay tinatangka niyang alisin sa daliri ang singsing, lalo na kung nabababad ang daliri niya sa pagsasabon ng damit bago ilagay sa washing machine.
Nagsugat tuloy ang daliri niya at namaga. Siguro nga’y naimpeksiyon.
Ilang araw na kumirot ang daliri niya pero hindi sapat ang kirot niyon para mawala sa isip niya ang oras-oras na pangangalam ng kanyang sikmura.
Napabangon siya. Tumingin sa kanyang wallclock. Labin-limang minuto makalipas ang ikasiyam.
Ipinasiya niyang mag-stationary bike uli nang kalahating oras.
NAKATULOG agad siya pagkatapos. At nanaginip na kasali raw siya sa isang donut-eating contest.
“First prize,” sabi ng contest moderator, “P1000 plus one galloon of chocolate-flavored ‘Rocky Road’ Magnolia Ice Cream; second prize, P500 plus three boxes more of assorted-flavored donuts; third prize, P300 pesos and two boxes of pizza pie.”
Nang mag-uumpisa na ang contest at isusubo na niya ang unang donut, lumapit sa kanya ang moderator na bigla na lang naging si Mrs.barber. “Iha, you’re disqualified.”
“E bakit naman ho?”
“Kasi me suot kang diamond ring.”
“E ano naman ho ang kaugnayan nito sa contest, Mrs. Barber?” irap niya. “Basta kasali ho ‘ko, namputsa namang…!”
At sinakmal niya ang hawak na donut.
“Guard…!” galit daw na sigaw ni Mrs. Barber. “Guard, ilabas mo ang babaing ito!”
Nabulunan daw siya. Nagsikip ang kanyang dibdib nang hindi makahinga. “Aahh… hmmm… haahh…!”
Nagising siya sa yugyog ni cora. Naglalagos na sa kanyang bintana ang sikat ng araw.
“Nanaginip ka na naman,maymay!” sabi nito. “Ang lakas ng sigaw mo. Ano na naman ba ang napanaginipan mo?”
Napahikbi siya at napaiyak sa mga palad. “Napanaginipan kong hinahabol ako ng tatlong mababangis na asong bulldog” pagsisinungaling niya. “cora, gutom na gutom na ‘ko…”
“Mag-shower ka na muna,” sabi nito. “Masarap ang almusal natin ngayon.”
“Ano?”
“Orange juice and one donut.”
Buong pagmamadaling naligo na siya para makapag-agahan agad.......Itutuloy….
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...