45

838 46 6
                                    

Chapter 45

Parang nagulat pa ito at kaagad nagtangkang tumayo sa swing. Gumiwang ang swing at muntik na itong tumihaya. Nauntog ito sa isang haligi.

“Arekuph…!” sabi nitong sinapo ng palad ang nauntog na noo. Paupong bumagsak ito sa isang upuan. “My God… bakit bigla yatang lumuhod ang mga tala sa aking harapan?”

Nagtatawang sumakay si maymay sa swing at naupo sa tabi nito. “Hoy,” aniyang humawak sa isang braso ng binata. “Ano bang kadramahan mo to, TanTan?”

“‘Ala,” sabi nitong sumulyap sa kanya at tumungo. Para itong nahimasmasan agad sa tabi niya.

“G-gusto lang naman kitang makita at makausap ngayong gabi, e. Gising pa naman sina Kuya nikko at Ate cora… p-pero ayaw ka nilang tawagin.”

“E kasi nga’y tulog na siya,” ani cora. "TanTan, what’s happening to you? Para ka talagang sira d’yan!”

Tumungo ito at umiling.

Napabuntunghininga si maymay. Ganito rin ka-immature ang ex-BF niyang si Cristian. Masyadong emotional. Ganito ang tipo ng lalaking minahal niya noon at naging dahilan kaya ayaw na niyang umibig uli.


“maymay, pagpasensiyahan mo na ang pinsan ko,” ani nikko. “Talaga lang sigurong masama ang tama n’yan sa ‘yo. Bata pa kasi at maagang naulila sa ama.”

Tumango siya. “Okey lang, nikko. Sige na… mag-uusap kami sandali.”

Magkaakbay pang pumasok na sa apartment sina nikko at cora.

NAKATUKOD ang mga siko sa tuhod, nakatakip sa mga tainga ang dalawang palad, bumuntung-hininga si TanTan ilang minuto matapos silang magkasarilinan sa swing.

“P-pasensiya ka na, maymay.”

Tumango siya. “Bakit ka naman magbibigti?” Hinawakan niya ang nylon cord na nakatali sa baybayan ng bubong. Natatawang tinantang. “Sampayan ninyo ito, a.”

“G-gimik ko lang ‘yan… para tawagin ka ni Ate Cora. Sorry, hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, e. Ba’t gano’n? Naglasing na nga kami ng mga kabarkada ko sa Singalong, hindi pa rin magluwag ang dibdib ko.” .

Inihaplos niya ang isang palad sa ulo nito. “Nagselos ka kay Edward — sa nobyo ko, ‘no?”

“Ewan ko ba. Okey naman s’ya, e. Ako’ng hindi okey. Na-love-at first sight ‘ata ako sa yo… at napaiyak ako kaninang matanaw ko na hinagkan ka niya sa lips. S’yota mo na nga!”

....itutuloy.....

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon