Chapter 40
"TanTan, nakasusi ba itong pinto?” ani maymay na lumapit na sa front door. “O hindi natuloy sina cora patungong Bulacan?”
“Natuloy sila, maymay,” sabi nitong binitiwan na ang palad ni Edward at nakapamulsa ang mga palad na lumapit sa may likuran ni maymay. “Kasama pa nga si Mama, e.”“Tado! Mama raw, o! Natatawang sinusian na niya ang pinto.”Kawawa ka naman, TanTan,” aniya. “Iniwan ka pala nila.”
“So what? Me lakad din naman ako mamaya. Pupuntahan ko’ng mga barkada ko sa Singalong.”
“Halika, sweetheart,” baling niya kay Edward at palihim na kumindat dito. “Gusto mong magkape uli tayo, di ba?”
Tumango si Edward. At nakangiting tumingin kay tantan. “Nice to meet you, tantan.”
“Same here, ‘Gineer,” ang sabi na pabirong sumaludo pa kay Edward at tinungo na ang gate. “Split muna ‘ko. Enjoy yourselves. The house is empty and my neighbor is pretty…!”
“What?” natatawang sabi ni Edward na sinundan ng tingin si tantan hanggang sa gate.
“Nothing,” sabi nito at nakangiting lumingon. “What can you do if you can’t do anything? Nothing!”
Naiiling na sumunod na si Edward kay maymay papasok sa apartment.
“INFATUATED talaga sa ‘kin ang batang yon, Edward,” pagpapaliwanag niya kay Edward nang nagkakape na sila sa salas, magkatabi sa mahabang sopa.
“Kinukulit ako at lagging dinigahan. Ayaw niyang maniwala na may nobyo na ‘ko. Kaya ngayon… kahit drama lang ang ginawa natin e maniniwala na siguro ‘yon. Pasensiya ka na sa ginawa ko.”
“It’s alright.”
“Titigil na siguro ‘yon sa pangungulit. It’s just a teenage infatuation.”
“Teenager pa ba yon?” ani Edward. “Binata na ‘yon, a.”
“He’s just eighteen.”
Tumango si Edward. “Kita mo? Maganda ka kasi, e. Marami ang mapapaibig mo just by being yourself.”
"Edward, iba ang pag-ibig kaysa infatuation lang.”
....itutuloy....
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...