28

907 50 0
                                    

Chapter 28

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 28

Mangiyak-ngiyak na naibaba ni maymay ang lalagyan ng kanyang scrable tiles. “Pambihira naman kayo. Kung anu-anong iniisip ninyo tungkol doon sa tao. Broken-hearted na nga at nagmukha pang kawawa dahil sa nangyari… pinagtatawanan n’yo pa!”

“Oyyy…!” Humagikhik si cora. “Ipinag-tatanggol na n’ya si Edward. Teka,nikko… baka kaya may iba nang motibo si Edward sa kaibigan kong ito!”

Sumeryoso si nikko. “You mean… baka kay maymay naman siya na-in love pagkat nabasted nga sa yo?”

“It’s possible!” ani cora. “Maganda naman si maymay kundi nga lang sobrang healthy!”

“Hus, hindi mo pa deretsahing mataba!” irap niya kay cora. “Sobrang healthy ka pa d’yan! No, I don’t believe na magkakagusto sa akin ang Edward na ‘yon. He’s just too proud for that. Guwapo naman siya. Isang engineer na pampito sa top notchers nang mag- take ng board exam. May magandang kotse. Bakit naman sa isang tabatsoy na katulad ko siya mai-in love?”

Tumingin si cora kay nikko. “How do you answer that, darlin’?”

“Well… ” ani nikko na wari’y nagkokonsentreyt sa mga tiles, “siguro, meron siyang ulterior motive. Yes, that’s it.”


Napatingin na rin si maymay kay nikko. “Ulterior motive? Like what,nikko?”

“Hindi lang kayo mag-bestfriend ni cora,” ani nikko. “Para na rin kayong magkapatid. Right?”

“Right!” sabay pang sagot nila ni cora.

“Siguro’y gusto niyang gumanti,” dugtong ni nikko. “Paiibigin ka niya. Kunwari’y sincere talaga siya sa yo. At pagkatapos mo siyang matutuhang ibigin bigla ka niyang bibreykin!”

“Naku, maymay, baka nga ganoon lang ang intensiyon niya!” parang hilakbot na baling sa kanya ni cora. “Sa ‘yo siya gustong guman —”

“Over my dead body!” aniya. “Hindi na niya ako puwedeng paibigin, cora. Wala nang lalaking puwede pang magpatibok dito sa mataba at Dabianang puso ko pagkat matagal ko nang isinumpa yang tinatawag na pag-ibig! Hmp!”

“E bakit pumayag kang siya ang maghatid sa ‘yo bukas patungong Circle?” nagtatawang tanong ni nikko.

Para makakain ako ng goto! Ohhh, sarappp! “Napa-oo na lang ako dahil makulit, e. Ano’ng gusto ninyong isipin niya — wala akong word of honor?”

....itutuloy....

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon