62

814 40 2
                                    

Chapter 62

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 62

KENTUCKY, and that’s final!”

“Max’s na lang, Nikko, Nakakasawa na ang Kentucky Fried Chicken. Lagi na doon lang tayo pumupunta.”

“Oo nga naman,nikko,Sa Max’s naman tayo kumain ng manok bukas.” kumindat si maymay kay Cora.

Umiling si nikko. Hindi sila nag-i-scrabble nang gabing iyon ng Linggo.

Nagtu-tong-its sila kina nikko, kasali si TanTan. Wala silang trabaho bukas pagkat Araw ng Kalayaan, na bagaman isang regular holiday lamang ay nakasanayan nang gawing official holiday ng kanilang kompanya.

“I think you need a referee,Hindi kayo magkasundo, e.”

“Baka mediator o arbiter lang ang ibig mong sabihin TanTan,Hindi naman kami naglalaro ng basketball, a!”

“Kow! Pareho na rin ‘yon, Kuya Nikko.”


“O, sige… ikaw ang referee,” natatawang pagsang-ayon ni Nikko. “Saan tayo kakain bukas?”

“Sa Ma Mun Luk.”

Binatukan ito ni Cora. “Um! Tado!”

“Areko naman, Ate! E ‘yon kasi ang paboritong restawran ni Mama, e!”

“Hee! Basta ang gusto namin ni maymay e sa Max’s tayo pupunta bukas!”

“Buweno, okey lang,Pero kayo ang magbabayad.”

Inirapan ni Cora ang nobyo. “Masaya ka! Ba’t kami pa ang pagbabayarin mo? Toss coin na lang. Head, Max’s; tail, Kentucky. Okey?”

“Okey,” ani Nikko na dumampot ng coin na pantaya nito. “Mabuti pa nga.”

Inihagis ni Nikko ang coin paitaas. Sinalo iyon ni TanTan at itinaob ang palad sa mesitang pangsalas.

“Head!” nagtatawang sabi ni Nikko nang angatin na ni TanTan ang palad. “Malinaw ‘yan, ha? It’s Kentucky!”

....itutuloy....

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon