Chapter 12
Inakbayan siya ni Mrs. Barber sa pagkakaupo nila sa mahabang sopa. “Huwag ka nang umiyak,” sabi ng babaing may katabaan din at kapareho ng sa kanya ang estilo ng buhok.
Malaki ang similaridad nila ng nakatatandang babae. Para siyang younger version nito. “Minsa’y nangyari na rin sa akin ‘yan, iha. Tumaba na nga rin ako. Kinailangan ko pang mag-aerobics, mag-jogging at mag-diet sa loob ng mahigit na tatlong buwan para lang maalis ko iyan sa daliri. Ang balak ko’y sa panganay kong si Jerome iyan ibigay bago sila makasal noon ng manugang kong si Yassi. Pero huli na. Kaya kay Edward ko na lang ipamamana.”
“Hindi ho ba kayang alisin ito ng platero, Misis?” Ayaw niyang mag-aerobics at mag-jogging tuwing umaga. At lalo nang ayaw niyang mag-diet.
Umiling ang babae. “Puwedeng tanggalin yan ng platero. Paplaisin lang iyan. Pero masisira. Mapuputol. Alam mo ba ang sinisimbolo ng lahat ng singsing? Infinity. Sa numerology, ang zero o bilog ay hindi lang nangangahulugang nothing. It also means infinity. Hindi ko gustong maputol ang singsing na ‘yan, maymay. Malas ‘yon.”
Bakit ba nauso pa ang mga superstition at kung anu-ano pang kabuwangan ng tao? Suminghot siya. “E di… bigyan n’yo ho ako ng a week or two, Mrs. Barber Magpapapayat ho ako para matanggal ko to.”
“You don’t have to be in a hurry, maymay,” ani Mrs. Barber na ngumiti kay cora. Nasa isang sopa si cora.
“Ang importante’y mabalik sa anak ko ang singsing para maibigay niya kung kanino nauukol.”
“Dinaramdam ko ho ang mga pangyayari, Misis,” ani cora. “Sabi ko nga sa inyo kanina, hindi ko ho naman talaga gustong tanggapin yan mula ke Edward pero –”
“I understand,” ani Mrs. Barber na tumayo na. “And as I have also said, you don’t have to apologize, cora.”
“Huwag nyo na hong palitan ang singsing na iyan, Misis.”
Umiling ito. “Kailangang may kapalit. Kung ayaw mo ng singsing, kahit anong token na lang. Anything as symbolic. What about a gold necklace?”
“Kailangan ho ba talagang me kapalit pa yan?”
“Oo naman,” anang ginang. Tinanggap mo na kasi, e. Iha, hayaan mo na lang kaming mga matatanda sa aming mga pamahiin. Wala namang mawawala sa ‘yo. Sa akin e meron. Peace of mind.”
“Mrs. Barber,” ani maymay. “Mahal din ho ang gintong kuwintas. Ano na lang ho kaya… stationary bike. Magagamit ko pa sa pagre-reduce. Mas makakamura pa kayo.”
...itutuloy.....
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...