29

899 51 0
                                    

Chapter 29

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 29

Tutuksuhin ka niyang kumain kayo sa mga restaurant doon,” ani nikko. “At walang pipigil sa yo. Nakakahiya namang bumuntot kami ni cora sa inyo. No, hindi puwede!”

Napaiyak na siya. “nikko naman, e! Mapapahiya ako!”

Siniko ni cora si nikko na katabi nito sa mahabang sopa. “Sige na,” anas nito. “Payagan mo na nga.”

Pabuntunghiningang ibinaba ni nikko ang mga tiles nito. Tumayo ito at naupo sa katangan ng sopang inuupuan ni maymay. Inakbayan siya nito.

“Wala naman talaga kaming karapatan ni cora na pagbawalan ka,” anito. “But you agreed na kami ang maging watchers mo sa pagda-diet. Puwede ka naming pagbawalang kumain even against your will — and that’s the idea. We love you, maymay. Gustung-gusto namin ni cora na mabalik ka sa dati. Hindi lang para maalis na sa kamay mo ang singsing na ‘yan. You know it’s more than that…”

Yumuko siya at ginamit ang laylayan ng kanyang duster sa pagpapahid ng luha. Na-guilty siya sa sinabi ni nikko. Wala siyang masabi.

“Pero… okey, maymay,” dugtong ni nikko. “Baka nga sabihin ni Edward na wala kang palabra de honor. Pinapayagan na kita. You can go to the QMC with him to jog.”

Muntik na siyang mapalundag lalo na nang marinig ang mga salitang “go to.” Napayakap siya sa binata. “Oh, thank you so much,nikko! I promise, hindi ako sasama sa kanya kapag niyaya niyang kumain sa restaurant. I won’t go to — I mean, go with him.” Doon lang kami sa mga goto stand. Sarappp…!

ALAS-SAIS ng umaga nang mag-doorbell si Edward sa apartment nina maymay kinabukasan.

Naka-green and yellow jogging pants na siya, katerno ng isang dark cream long-sleeved shirt blouse, nang buksan niya ang pinto.

Naka-white shorts, green t-shirt ito, at headcap na puti rin, tulad ng shorts at de gomang sapatos na tatak Nike.

“Good morning,” sabi nito. “Hey, you look great, maymay!”

“Thank you,” aniya. “Halika, magkape tayo.”


Pumasok si Edward. Matapos makaupo ito ay nagtungo sa kusina si maymay.

Pagbalik sa salas, may dala siyang isang tray ng kape para sa dalawa at pagkain.

“I am allowed to drink a cup of coffee or tea and eat one pandesal for breakfast,” aniya nang ibinababa na sa center table ang tray. “Pero iginawa kita ng ham sandwich.”

...itutuloy.....

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon