39

839 48 4
                                    

Chapter 39

Si TanTan,” anas din niya. “Pinsang-buo ni nikko. Do me a favor,Edward.”

“Yeah, what?”

“Kunwari boyfriend kita. Kasi, infatuated siya sa akin, e. Kinukulit ako. I want to put an end to it so —”

“Yeah, I got it.”

“Okay, let’s wait till he’s finished with that piece.”

“Hawaiian War Chant.”

“What?”

‘”Yon ang tinutugtog niya. Naalala ko’ng violin ng daddy ko. Kaya ko ring tugtugin ‘yan sa b’yulin.”


NAGULAT si TanTan nang makarinig ito ng palakpakan pagkatapos ng tugtog. Napalingon ito at nang makita sina maymay sa gate, bumaba sa swing at pa-OA na nag-bow Ikinawit pa ang kanang braso sa ilalim ng dibdib kasabay ng pagyuko.

“Thank you,” ang sabi kasabay ng paglalagay ng harmonica sa panlikod na bulsa ng pantalon.

“Thank you very much, it’s nice to be appreciated, ahem!”

Nang buksan ni TanTan ang gate, nangislap ang mga mata nito at napangiti kay maymay. Pero pagsulyap kay Edward ay lumamlam ang tingin at wari’y biglang humaba ang guwapong mukha.

Talagang infatuated sa akin ang batang ‘to, ani maymay sa sarili. Okay, now is the time to nip the infatuation right in the bud.

“Masarap palang umistambay dito sa swing n’yo, maymay.”

“Oo naman,” aniyang hinagilap ang isang palad ni Edward na medyo nagulat pa sa kanyang ginawa kahit may lihim na silang usapan.

“Sweetheart, si TanTan . TanTan, ang boyfriend ko… si Engr. EDWARD BARBER.”

Pangiting tumango si Edward kay TanTan, ikinawit pa ang kaliwang braso sa beywang ni maymay.

“Hello, TanTan,” pag-aabot nito ng kanang palad sa nakababatang binata. “Ang galing mong tumugtog ng harmonica.”

“Salamat,” sabi nitong tinanggap ang palad ni Edward. “But I’m sorry, pare ko. It’s not TanTan . It’s Tanner. Capital T —”

....itutuloy....

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon