7

1.1K 55 0
                                    

Chapter 7

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 7

Tumawa lang si cora. “You can trust women’s intuition better, darlin’. Relax. Naku-curious lang sa akin si Mrs. Barber. Naiintriga. Nothing to worry.”


Good thinking, cora, nangingiting naisaloob ni maymay. But that’s not intuition. Tama ka na mas mapagkakatiwalaan ang women’s intuition. E bakit ang mas ginagamit mo e isip?

“I guess you’re right,”sabi ni nikko mayamaya. Papalapit na sila sa Mabuhay Rotonda. “Baka nga naku-curious lang sa ‘yo si Mrs. Barber.

Nasanay na siguro siya na ang anak niya ang laging hinahabol ng chicks. So… bakit nga naman basta na lang mababasted si Edward sa ‘yo? Naintriga nga siguro ang kanyang ina.”

“Right,” ani cora. “So you see? Bakit kailangang magkaroon tayo ng kung anu-anong masamang kutob e puwede namang makapag-isip nang logical?”

Tumawa si nikko. “Section chief ka na nga!”

Atsows! Napaluwang pa ang ngiti ni maymay kahit tikom ang kanyang mga labi.

Tingin ko’y parang sumisipol ka sa dilim para mabawasan ang nararamdaman mong takot, cora.

Basta ako, duda rin sa intensiyon ng Mrs. Barber na iyon. ‘Yon ang intwisyon ko. Hindi siya curious lang. At mas tama siguro si Boss nikko.

Nasanay na siyang tawagin si nikko ng ‘Boss nikko’ dahil ito ang dati nilang section chief na pinalitan ni cora.

Malaki ang bilib niya sa katalinuhan ni Nikko, at marahil ay ganoon din ang GM nilang si Mr. Gervasio “Vas” Lopez. Kaya nga last week lang ay na-promote na si Nikko mula sa pagiging office supervisor tungo sa posisyong administrative assistant.

Isa na si nikko sa tatlong katulong ng kanilang executive vice president o EVP sa pagpapatakbo ng korporasyon.

Dahilan naman para ang puwestong iniwan nito ay mapunta kay cora.

Masuwerte na rin ang kanyang kaibigan sa Nikko  na ito, at mas gusto niya ito para kay Cora kaysa Engr. Edward  Barber na iyon.

Tulad ni cora, nayayabangan din siya kay Edward.

PASADO alas-sais na nang ihinto ni nikko ang kotse nito sa tapat ng gate nina cora at maymay.

Pagbaba nila’y ipinasok na ni nikko ang sasakyan sa garahe ng kasunod na apartment.

Isang six-door two-storey apartment building iyon na ang dulo ay kadikit ng mataas na bakod ng isang junkyard.

Nasa dulong iyon ang apartment ni nikko, kasunod naman ang kina maymay at cora.

Ang isa pang dulo ng apartment ay may sari-sari store sa ibaba. Aling Lita’s Variety Store.

Nasa panulukan iyon ng Simuon Street at ng isa pang kalyeng mula rin sa mga tauhan ng Fili ni Dr. Jose Rizal ang pangalan.

Kakalug-kalog, wika nga, si nikko sa apartment nito. Nag-iisa ito roon mula pa nang iwan ng dating ka-live-in, isang buwan at kalahati pa lang ang nakararaan.

Kung hindi naging mail-order-bride ang dating ka-live-in ni nikko, si Edward sana ang nobyo ni cora ngayon, naniniwala si maymay. At hindi ipahihiram sa kanya ni cora ang suot niyang engagement ring.

.....Itutuloy….

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon