4

1.2K 55 2
                                    

CHAPTER 4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 4

THE PROPOSAL

“Sabagay nga. Tama ka, maymay.”

TUMUNOG ang telepono sa isa pang mesang kalapit ng computer desk ni maymay. Malapit nang mag-lunch break.

Ipinihit niya ang kanyang swivel chair paharap doon at dinampot ang pulang office telephone.

“Metropolitan Development Corporation, Administrative Department, hello, good morning…”

“Good morning. This is Mrs. Cathy Barber. Puwede ho bang makausap si Miss Cora Wadell?”

Napakunot-noo si maymay. “Sandali lang ho…” Tinakpan niya ang mouthpiece at tumingin kay Cora.

“Cora, ang mother ni Edward, gusto ka raw makausap.”

Tumango ang dalagang nakakahawig ni Lorna Tolentino nang ang artista’y wala pang beinte-singko anyos. “Sige, maymay, ibaba mo na.”

Ibinaba niya ang hawak na telepono at dinampot naman ni cora ang extension phone sa desk nito.

Ilang minuto lang na nag-usap sina Mrs. Barber at Cora.

“Bakit siya tumawag, cora?” tanong niya nang maibaba na nito ang telepono. “Do you mind?”

“Nope. Gusto lang daw niya akong makita nang personal. Kasi raw, masyadong dinamdam ng anak niya ang… alam mo na. Wala raw naman siyang personal na pagdaramdam sa akin, pero gusto nga lang daw niya akong makita.”

Napatango siya at hinarap na ang kanyang computer keyboard. “That’s odd. I mean… bakit pa?”

“Oo nga, e. Nagtataka nga rin ako.”

Nangingiting napailing siya. “Baka balak pang humirit ng Edward na ‘yon, Cora. At nagpapatulong sa kanyang ina. Sus, ang mga lalaki nga naman kapag na-in love! Gagawin ang lahat…” Napasulyap siya sa kanyang relo. Thirty minutes before lunchtime. At gutom na talaga ako. Bakit ba lalo akong tumatakaw lately? Nadagdagan na naman yata nang two pounds ang timbang ko. “Cora, kelan daw kayo magkikita at saan?”

“Mamayang eight ng gabi sa bahay.”

“Kasama siguro si Edward, ano?”

.... Itutuloy....

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon