60

870 46 13
                                    

Chapter 60

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 60

INABOT lang sila ng alas-diyes sa beerhouse na iyon. Pagbalik nila sa Palomino, nakatulog agad si mCcoy.

Magka-share sila sa isang kuwartong may dalawang kama para makatipid.

Kompanya nila ang gumawa ng hotel na iyon kaya may discount silang 35%.

Limang araw lang na accommodation ang ibinigay sa kanila ng kompanya.

Pagkatapos ng limang araw, sariling gastos na nila, sila na ang magbabayad sa hotel.

“No problem,” patungo pa lang sila sa Baguio ay sinabi na ni mCcoy. “Sagot ko na ang 10-day hotel accommodation natin, Edward. Mahigit ding eleven thousand pesos yon.”

Napangiti lang siya at hindi na umimik. Naisaloob, Sino kaya ang nag-donate? A, baka ‘yong binilhan namin ng pintura o kaya ‘yong supplier ng mga bakal.

Magkano nga ba inabot ‘yon lahat-lahat? Mahigit one million. Naku, e barya nga lang ang eleven thousand na sideline niya roon!


Ngayon, habang naghihilik na si McCoy sa katapat na kama, gising pa rin si Edward at nakatingin sa kisame.

Buhay pa ang kanyang lampshade. Ang nasa isip pa rin niya ay si maymay.

Nang hindi pa rin makatulog, pasado alas-onse na, dinampot niya ang telepono, humingi ng linya sa operator at idinayal ang numero ng telepono nina Maymay sa apartment ng mga ito.

“HELLO…?”

Si Cora. Tumikhim siya. “Hello, Cora. Si Edward…”

“T-tulog na si maymay. Gigisingin ko ba?”

“Hmmm… h’wag na lang. Akala ko lang e nag-i-scrablle kayo at —”

“Tulog na siya kanina pa at ako nama’y nagpapaantok lang sa swing nang tumunog ang telepono. A-ang totoo, ikaw ang naiisip ko kanina pa. Nariyan ba si Kuya?”

Napabuntunghininga siya at tinapunan ng sulyap ang natutulog na si mCCoy. “Tulog na rin. Maaga kasi siyang uuwi na bukas. Gusto mong gisingin ko?”

“Huwag na…”

“Bakit mo naman ako naiisip, Cora?”

Hindi agad nakasagot si Cora. Isang maikling buntunghininga rin muna ang ginawa nito. “Edward…”

“Yes.”

...itutuloy....

ANO SA TINGIN NIYO ANG SASABIHIN NI CORA KAY EDWARD?

MASISIRA BA NG PAG PAPANGGAP NG MAYWARD ANG TOTOONG NARARAMDAMAN NILA O YON ANG DAHILAN UPANG IPAG PATULOY ANG KANILANG NASIMULAN?

PAPANO KONG SI TANTAN ANG PILIIN NI MAYMAY MY PARAAN PA BA PARA MAKUHA NI EDWARD  SI MAYMAY?

O BAKA NAMAN PALAYAIN NI EDWARD  SI MAYMAY AT KUKUNIN ANG SINGSING AT IPAUBAYA KAY TANTAN?

ABANGAN BUKAS ANG PAG PAPATAPOS NG STORYANG ITO THE PROPOSAL.

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon