LAST CHAPTER

2K 91 36
                                    

LAST CHAPTER

Hindi na siya makapagtaas ng tingin. Nanlalabo na sa luha ang mga mata, di na niya gaanong pinakinggan ang iba pang sinabi ng binata.

Gayunma’y kinuha pa rin niya ang sobreng inilahad nito sa kanyang harapan. Ipinamulsa niya iyon sa jacket at pumihit, humakbang nang palayo.

“It’s all right,Edward. Bye….'”

Naglalakad pasalubong at paayon sa agos ng maraming tao, pakiramdam niya’y nag-iisa siya sa mundo. Alone in a crowd.

Naalala niya ang mga kabaliwan ni TanTan at ang pagdadrama nito na magbibigti ng nylon cord sa swing. Naalala niya ang ex-BF niyang si Cristian. At nasabi niya sa sarili habang kagat-labing lumuluha: Cora, sabi ko na sa ‘yo, e. Ayoko na nga, e…!

Pagdukot niya sa bulsa ng jacket, nasalat niya ang “thank you” card. Nilamukos niya iyon. Ngunit mayamaya, nangingiti sa nadamang self-pity, inilabas niya iyon upang tingnan ang aniya sa sarili’y “Katibayan ng kanyang ulterior motive!”

Pinahid niya ng daliri ang luha sa kanyang mga mata. Tiningnan ang laman ng sobre. Larawan nila iyon, habang siya’y nagtatawang nakahawak sa isang braso ni TanTan sa Max’s Restaurant.

I hate Max’s chicken a lot, you know.


Tikom ang mga labi, napatigil siya sa paglalakad sa gitna ng daloy ng mga tao, at patingalang napangiti. “Oh, my God!” anas niya. “Akala siguro niya’y —”

Bigla, napawi ang ngiti niya kasunod ang pagdaloy ng habag sa kanyang puso. Napapihit siya at lakad-takbong humakbang pabalik tungo sa dulo ng lugar na iyon.

Pangalawang beses nang siya’y nasaktan na parang ginagago! Oh, Edward, I’m so sorry…

LUHAAN pa rin siya pero hinayaan na lang niyang maglandas ang luha sa kanyang mga pisngi hanggang makalapit kay Edward na nakatanaw pa rin sa malayo.

“It’s not true,” aniya. “I swear to God it’s not true, Edward!”

Napatungo ito pero hindi lumingon.

“Edward!”

“Okay, whatever you say, maymay,” sabi nitong saglit na lumingon at muling tumungo. Umaagos din kasi sa mukha ng binata ang luha.

“Edward, are you crying?”

I t-think so, yes. How about you, are you crying?”

“Yes!”

“Why are you crying?”

“Because it’s not true. It’s just a photograph of an act that wasn’t for real. And why are you crying?”

Pumihit ito at humarap sa kanya. “I am crying because I thought it’s true. I thought I lost again. Losing you, I don’t feel like a man anymore. I love you so much, maymay. You don’t even have to be so beautiful…”

“Oh, Edward… I love you too!” aniya at yumakap na sa binata.

Sa isang iglap lamang, nakulong siya sa matitipunong bisig nito. Kahit parehong naglalandas sa mga pisngi ang luha ay magkasabay nilang hinanap ang mga labi ng isa’t isa.

Hindi inalintana ang mga taong nasa paligid, ganap silang pinag-ugnay ng halik na iyon upang malasap kapwa ang luwalhati ng kaligayahang noon lang nila nadama.


Matagal bago nagkawalay ang kanilang mga labi. Pinahid ni Edward sa pamamagitan ng palad ang luha ni maymay sa mga pisngi.

Ginamit niya ang kanyang mga palad upang pahirin din ang luha ng binata. Nakangiting pinapahid nila ang luha ng isa’t isa.

“Magdya-jogging pa ba tayo e ang seksi-seksi mo na nga?” natatawang sabi ni Edward.

“Kumain na lang tayo doon sa eat-all-you-can restaurant sa ground floor lobby ng hotel ko.”

“You’re spoiling me!”

Mabilis siyang dinampian nito ng halik sa mga labi. “I’m loving you, not spoiling you. Come on… kumain muna tayo ng juicy steak, potato salad, chocolate cake, and drink some wine or black coffee…”

Ay, saraappp! “Ano ka ba, sira? E kung tumaba uli —”

“Saka na tayo mag-jogging. Mas masarap ang steak and potato salad dito. Kung gusto mo naman, donut na lang at —”

“Halika na… game!” aniyang hinawakan ito sa isang palad at hinatak na palayo sa barandilya. “Ginutom akong bigla sa mga sinabi mo. Bahala na…!”

Nagkakatawanan, mahigpit na magkakapit ang kanilang mga palad habang palabas na sa liwasang iyon. Naka-parke sa labas ang kotse ni Edward na dinala nito sa Baguio.

Sa loob ng sasakyan, masuyong kinabig siya ng binata sa ulo at muling siniil ng halik sa mga labi. Ikinawit din niya ang isang braso sa batok nito at buong kasabikang tinugon ang halik na iyon.


“Bakit hindi totoo ang nasa litrato?” tanong nito pagkatapos.

“Pinagbigyan ko lang siya sa kahilingan niyang magkunwari kaming mag-sweetheart,” aniya. “Hindi na mauulit ‘yon, okey?”

Tumango ito. “Okey.” Inilabas nito ang singsing at isinuot sa kanyang daliri. “It’s your engagement ring. Please wear it for life.”

“Yes, Edward, I will.”

Ini- release nito ang hand brake at pinatakbo na ang kotse. Isang button ang diniinan nito sa car stereo. Nang gumana ang stereo, narinig ni maymay ang isang lumang awitin:

You looked inside my fantasies
And made each one come true
Something no one else had ever found a way to do
I’ve kept the memories one by one
Since you took me in
I know I’ll never love this way again…

“Bakit nga pala doon mo pa gustong magkita tayo, sweetheart?”

“Sa dulo ng Mines View Park?”

“Oo.”

“Marami nga kasing tao roon palagi. At akala ko’y hindi iyon ang lugar for intimacies. Malay ko bang sanay ka palang humalik sa gitna ng maraming tao — at umiiyak pa!”

Napatawa nang malakas ang binata. Bumilis pa ang takbo ng pulang kotse papalayo.

....WAKAS.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon