Chapter 24
Hindi lang nito maderetsa sa kanya ang pagsa-sabing, “Bawasan mo ang katakawan mo!”
Napatungo siya at hindi na itinuloy ang panonood sa telebisyon. “Magba-bike na ‘ko, cora.”
Kunot-noong napabaling ito sa kanya. “Ayaw mo na bang tapusin ang pelikulang ‘to?”
“Hindi ko type ang ganyang espionage film.”
“E sige… mag-bike ka na.” Biniro siya nito. “Tiyak mo bang walang jar of cookies sa ilalim ng kama mo?”
“Wala!” irap niya at medyo padabog na tumayo. “Ikaw nga ang laging may biscuit sa kuwarto mo, e. Pag natanggal ko na ang singsing na to… babawi ako! Kakain ako hangga’t gusto ko, hmp!”
“A, bahala ka sa buhay mo! ‘Kakainis ka. Di mo mahal ang sarili mo!”
Hindi na siya kumibo. Tinungo na niya ang hagdan.
NASA kuwarto niya ang stationary bike. Nag-workout siya nang kalahating oras.
Nang pagpawisan, humiga siya sa kama at pinilit balewalain ang pangingirot ng kanyang sikmura.
Kalahating tasang kanin at isang hita ng manok lang ang hapunan niya kanina. Nakiramay naman sa kanya sina cora at nikko. Konti rin lang ang kinain ng mga ito.Pero alam niya, pagbalik ni nikko sa apartment nito ay kakain pa ito roon, at si cora naman ay baka mag-midnight snack mamaya.
Kung bakit naman habang nagdidiyeta siya ay puro pagkain ang sumasalimbay sa kanyang balintataw oras na ipikit niya ang kanyang mga mata: ice cream, hamburger, spaghetti, pizza pie, shawarma, pancit canton, chocolate candies, cookies, cake, donut .
Mga kaligayahan niya sa buhay na ngayo’y bigla na lang ipinagkait sa kanya. At dahil lang sa isang metal na singsing sa kanyang daliri.
Sapo ng isang palad ang tiyan, napadapa siya sa kama. Bakit ba nahiram-hiram ko pa ang singsing na ‘to? Nagugutom ako. At… baka bangungutin na naman ako. Tulad no’ng isang gabi. Napanaginipan kong nasa buffet restaurant ako at paulit-ulit kong naririnig ang sinasabi ng mga waitress: “Eat all you can… eat all you can… just don’t leave any food in your plate…!” Tapos, nang kukuha na ako ng pagkain, pinalo ako ng ruler ni Mrs. Barber sa kamay!
.... Itutuloy....
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...