11

1K 53 2
                                    

Chapter 11

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 11

"Oo nga,” ani cora. “‘Yon nga ang sabi ko sa ina ni Edward.”

Awtomatikong napahawak si maymay sa singsing na nasa panggitnang daliri ng kanyang kaliwang kamay.

Hinugot niya iyon. Pero hindi niya maalis. Itinodo niya ang paghila. Nasaktan na siya pero ayaw pa ring dumulas ni bahagya man ang singsing.

“nikko, bakit di ko na yata maalis ‘to?” parang naiiyak niyang baling sa binata. “Tulungan mo nga ako…”

“Hayan kasi…” sabi ni nikko na hinawakan ang kaliwang kamay niya. “Mula kasi n’ong holiday e umarya ka nang umarya sa katakawan.Lalo ka tuloy lumobo.” Hinila nito ang singsing. “Hmmmmph…!”

“Aray ko naman!” ngiwi ni maymay. “nikko, nasasaktan ako!”

Teka,” ani cora. “Lagyan mo kaya ng sabon o langis?”

“Oo nga,” ani nikko. “Halika…”

Nagtungo sila sa kusina. Una, sinubok nilang gumamit ng sabon.

Hindi pa rin mahugot ang singsing. Namula at lalong naging parang sausage ang daliri ni maymay.

Lalo nga pala siyang tumaba at lumaki pa yata ang kanyang mga buto sa gitna ng daliri, ngayon niya mas napatunayan.

Sinubok naman nilang lagyan ng mantika. Parang lalo pang sumikip ang sinsing.

“Naku, cora,” mangiyak-ngiyak na niyang sabi. “Paano kaya to? Hindi talaga matanggal, e!”

“Kailangang mag-reduce ka muna bago mahugot ‘yan,” ani nikko. “Ang mabuti pa’y sumama ka na lang kay cora para makita ni Mrs. Barber.”

“Oo nga,” ani cora. “Halika na.”

NAGBALIK sila ni cora sa kanilang apartment. Mabait naman si Mrs. Cathy Barber. Napatawa pa ito nang makita si maymay na umiiyak.

“Ipinahiram ho kasi ito ni cora, Mrs. Barber,” aniya. “Kasi nga ho’y maluwag sa kanya at natatakot siyang mawaglit habang nagdya-jogging kami noon sa Baguio.”

....itutuloy....

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon