50

845 51 8
                                    

Chapter 50

NAKASAKAY na sila ni Engr. Tobias sa kanyang kotse nang tumunog ang cellphone niya roon.

“O, me tawag ka, Barber.”

Sinagot niya ang tawag. “Hello?”

“Hello, Edward…”


Si maymay! Ang tunay kong mahal na si maymay! “Yes, maymay…”

“Nasa Tarlac ka raw.”

“Oo nga. Ini-inspect ko’ng ginawa naming tulay rito.”

“Edward, nakikigamit lang ako nitong cellphone ni nikko. Tatapatin na kita, ha? Kinukulit talaga ako ni TanTan, e. Para na lang siya matigil at maging authentic ‘yong kadramahan natin… could you do me one last favor before you go to Baguio?”

“Sure. What is it?”

“Kunwari, bago ka pumunta sa Baguio e magpaalam ka sa akin personally sa bahay. Itatayming natin ang pagpunta mo roon na naglalaro kami ng scrabble. Puwede, Edward?”

Napangiti siya. Para mo na ring hiniling ang gusto ko talagang mangyari.

Wala lang akong maisip na dahilan para makita ka uli bago ako umakyat sa Baguio…

“Edward?”

“Yes. Yes, sweetheart.”

“Anong sweetheart?” Napatawa si maymay. “Loko, kunwari lang ‘to!”

“I know sweetheart. Nagpa-practice lang ako. Kelan ako eeksena? I mean —”

“Biyernes ng gabi, puwede?”

“Oo. Kahit nga bukas ng gabi, e. Uuwi na ako bukas after lunch. Tapos na’ng trabaho namin dito.”

“Friday night na lang. Ayokong maabala kang masyado.”

“Okey, sige.”

“Bye.”

“Bye, sweetheart.”

“Masaya ka!”

Tatawa-tawang pinindot na niya ang End Call button.

...itutuloy....

Alam ko bitin pero time limit chapter  natin today,  bukas ulit

Habulin ko mona ang oras marami kasi ako bisita today kaya sorry kong late lagi update  q.  Atlest naka ten chapter  din tayo ngayon araw haha,

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon