Chapter 6
Sa takot niyang mamayat at magkasakit sa kaiisip kay Cristian, sinadya niyang maging matakaw.
Pagkain ang pinagbuntunan niya ng galit, wika nga. Nang mag-umpisa na siyang lumobo, parang lihim pa siyang natuwa.
Ayaw na niya kasing makipagnobyo. Dala na siya. Parang nagka-phobia na.
Walang manliligaw sa kanya kung siya’y mataba.
Walang magtatangkang bumasag ng kanyang puso.
So what kung tumanda siyang dalaga? Mabuti nga’t hindi siya makukunsume sa mga anak at asawang ang nakararami yata ay babaerong tulad ng yumao niyang ama.
Lingid sa buong mundo, ang personal niyang motto sa ngayon ay: “Be happy – don’t ever catch the love virus again.”
“BAKIT ka naman kaya gustong makita ng Mrs. Barber na iyon?” tanong ni nikko nang natrapik ang minamaneho nitong light blue Lancer sa kanto ng E. Rodriquez at Araneta Avenue.
Pauwi na sila nang hapong iyon sa kani-kanilang magkadikit na apartment, sa Simuon Street, Bgy. San Isidro Labrador, Quezon City.
“Bakit nga kaya, cora?” pag-uulit ni nikko.
Nagkibit-balikat si cora na siyang katabi ng nobyo sa unahan ng kotse. “Ewan ko.”
“Diskumpiyado ako sa Edward na iyon, love.”
Napangiti si maymay na nasa likuran ng dalawa. Two weeks ago lang, mag-boss pa ang dalawang ito, naisaloob niya.Ngayon, mag-sweetheart na at nagbabalak na yatang pakasal this year. Ang buhay nga naman… parang life.
“Masyado kang suspetsoso,” ani cora. “O, go na…”
Pinatakbo nang muli ni nikko ang kotse. Pinagbuti ni maymay ang pagkakasandal sa upuan.
Pumikit pa siya at pinakinggan sa car stereo ang pagkanta ni Dionne Warwick ng isang nilulumot nang awitin, ang “Don’t Make Me Over.”
Napabuntunghininga pa siya. Ah, this is life. Mabuti na lang talaga at naging ka-neighbor namin ni cora.
Para na rin kaming may personal driver sa pagpasok at pag-uwi mula sa office. Kaya lang, kelan kaya siya makakakuha ng maid-labandera? Kami ni cora ang nahihirapan sa kalalaba at kapaplantsa ng mga damit niya.
“I am not suspicious, cora,” mayamaya’y narinig niyang pagsasalita ni nikko. “I am just using my intuition.”
...itutuloy....
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...