16

977 50 0
                                    

Chapter 16

"McCoy, kayang-kayang ko naman ito, e,” pagpuprotesta niya. “Na-delay lang kami dahil —”

“Dito ka na lang muna. Lugi na tayo ng kalahating milyon sa project na iyan! Ano’ng gusto mo — masisante tayo pare-pareho?”

Tangna naman, o! “E, sige, pare… sinabi mo, e.”

BALIK siya sa desk work kinabukasan din. Taga-check ng design, tulad ng dalawang bagong recruit na inhenyerong ang isa’y repeater pa sa pagkuha ng board exam.

Inis na inis siya kapag nasa opisina lang. Ang gusto niya’y laging nasa field — sa lugar ng patrabaho.

Doon sa mas marami siyang aktuwal na maoobserbahan at makikita.

Ano ang mangyayari sa kanya kung nasa harap lang siya lagi ng drawing board at computer? Mabobobo lang siya.

“Edward… telephone!”

Napatingin siya sa kinaroroonan ng kanilang dalagang office receptionist.

Itinaas nito ang hawak na telepono. Iniwan niya ang kanyang desk.

“Kanino galing, Ali?” tanong niya sa receptionist.

“Miss Ali Forbes, administrative, MDCI.”

A, si maymay. Nahugot na kaya ang singsing sa daliri niya? Pinik-ap niya ang telepono. “Hi, maymay…”


“Yes. Edward, nabanggit mo sa akin last week na may iba ka nang pagbibigyan nitong sing-sing…”

Napatawa siya. “I was just joking, maymay. Sinabi ko lang ‘yon para apurahin mo ang pagre-reduce. Actually, you can take your time. Okey ba ‘yong stationary bike na padala ng mommy ko sa ‘yo?”

“Oo naman. Umaga’t gabi, ginagamit ko.”

“So… kumusta naman?”

“Nabawasan na ‘ko ng one pound, believe it or not. Pero… namaga ang daliri ko, e. Naimpeksiyon pa yata.”

“I’m sorry. Hindi bale, MAY. Take your time.”

“Wala ka pa talagang pagbibigyan nito?”

....itutuloy...

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon