Chapter 21
Aba ‘y… ang ganda pala niya noon! Parang artista ah. Sumungaw sa mga labi niya ang isang maluwang na ngiti. “Ikaw ba talaga ito, maymay?” himig pagbibiro niya.
Nakatawang umirap ito. “Oo naman! Tumaba nga lang ako, e.”
“Ang ganda-ganda mo pala noon.”
“Sabi nga nila.”
Ang pangalawang litrato ay full-body shot. Naglalakad si maymay sa gilid ng isang swimming pool. Naka-green one-piece bathing suit at may sunglasses.
“Wow!” palatak niya. “Pang-Miss Universe, a!”
Napaghagikhik ito. “Artistahin ‘no? Kuha ko ‘yan nang mag-excursion kami sa Tagaytay. Third year college pa lang ako.”
“E ano ba talagang nangyari at —”
Napatigil siya sa pagsasalita. Sabay silang napatingin sa waiter na lumapit sa kanilang mesa.
Dumating na ang kanilang order. Mahigit nang kalahating oras makalampas ang alas-dose ng tanghali.
Tiyak na malileyt sila pareho sa pagbabalik sa trabaho, naisaloob ni Edward.
“NASAAN nga pala ang diskette copy ng company logo n’yo,Edward?” tanong ni maymay nang kinakain na nila ang kanilang medium rare steak. “Dala mo na ba?”
Tumango siya. “Narito sa bulsa ko.”
Saglit na iginala niya ang tingin sa restawrang iyon sa ikaapat na sahig ng SM Megamall.
Maingay ang paligid. Puno ng tao ang kainang iyon. Ang nakararami’y tulad nila ni maymay na magkapareha.
Maraming magaganda at seksi sa kababaihang naroon. Pero sa tingin ni Edward, kahit nga may katabaan ang kanyang kapareha ay pinakamaganda pa rin ito.
Napasulyap siya sa singsing na suot ng dalaga. Sa kanya napunta ang traditional engagement ring ng aming pamilya.
Parang naistak sa kanyang daliri. Hindi kaya isa itong magandang pangitain na sa kanya talaga iyon nauukol?
“Edward,” pangiting sabi ni maymay nang mapansing nakatitig siya sa mukha nito. “Nagdaramdam ka pa siguro sa kaibigan ko, ano?”
Umiling siya. “Dinamdam ko ‘yong pagkabigo sa kanya. Pero wala akong pagdaramdam sa kanya mismo. Nagtataka lang ako hanggang ngayon kung bakit biglang-bigla na lang silang nagkagustuhan ni Nikko.”
..... Itutuloy......
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...