Chapter 20
HABANG hinihintay na mai-serve ang order nila sa restawrang iyon sa SM Megamall, hinawakan ni Edward ang kaliwang palad ni maymay at sinuri ang medyo namamaga ngang daliri nito.
Nagkagatla ang daliring kinalalagyan ng singsing. Nakalubog na ang singsing sa gatla, na para bang nakapatong na lang sa ibabaw ng daliri ang ga-mais na brilyante.
“Bakit naman dito mo pa isinuot sa hinlalaki mo ang singsing na ito, maymay?”
“D’yan kasi mas kasya.”
Napatitig siya sa bilugang mukha ng dalaga. Medyo nanulis ang maninipis at malarosas nitong mga labi sa ibaba ng matangos na ilong.
Parang laging maiiyak ang makislaping mga mata nito. Maganda pa rin ito kahit manipis ang make-up.
Hindi napipintahan ang kilay nito pero wari’y sadyang iginuhit upang bumagay sa hugis ng mukha.
May naramdamang pitlag sa dibdib si Edward nang magtama ang kanilang mga mata.
“Sumasakit ba, maymay?”“Hindi naman ga’no.”
“Luluwag din ‘to kapag nabawasan pa ang timbang mo.”
Sumungaw ang isang wari’y nahihiyang ngiti sa tikom nitong mga labi. “Nahihirapan akong magdiyeta. Masarap kumain, e.”
“Ganyan ka ba mula nang teenager ka pa?”
“Hindi, ‘oy. Magkasingseksi nga kami ni Cora nang magkaklase pa kami noon sa UE.”
“Talaga? May picture ka bang kuha noon?”
Napakunot-noo ito. Pagkuwa’y ngumiti. “Oo. Gusto mong makita? Mayroon ako sa pitaka ko.”
“Patingin nga…”
Binuksan nito ang kulay gatas na ladies’ bag na nasa isang gilid ng restaurant table.
Inilabas mula roon ang isang green wallet. Dalawang wallet-sized photo ang ipinakita nito kay Edward.
Half-body shot ang unang larawan.
.... Itutuloy....
BINABASA MO ANG
THE PROPOSAL
Fanfiction...THE PROPOSAL... Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni MayMay Entrata ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Cora Wadell ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Edwa...