59

796 44 0
                                    

Chapter 59

"Saan tayo magkikita?” tanong niya.

“Any suggestion?”

May binanggit siyang isang kilalang restaurant sa Session Road. “O kaya’y susunduin na lang kita sa bahay ng kuya mo.”


“Wala man lang suspense!” nagtatawang sabi ni maymay. “Ang gusto koy sa isang crowded place… do’n sa hindi mo agad ako mamumukhaan. But I’II be wearing a pair of white jogging shorts, white jacket on a pink shirt blouse, and a pair of blue rubber shoes. There’ll be a white ribbon on my head because I’ll wear my hair with a ponytail. So… saan tayo magkikita?”

“Sa Burnham Park,” excited niyang naisagot. “Doon mismo sa istasyon ng mga boat for rent.”

“Ayoko nga. Madali mo rin akong makikilala roon. Ayaw mo sa Mines View Park?”

“Saan doon?”

“Sa pinakadulo. Sa barandilyang nakabakod sa gilid ng bangin. Alas-nuwebe ng umaga.”

“Magulo roon. Ang dami laging nagpi-picture taking doon. Baka hindi kita makita agad. Lalo na nga’t kasingseksi ka na pala ni —”

“That’s the very idea, Edward. Find me… try to recognize me in a crowded place.” Tumawa pa si maymay. “Give me that kind of excitement, my friend.”

“Would my ring be still on your finger?”

“No. It would be in its original jewelry box. Ibinigay na sa akin ni Cora ang munting kahon. Ganoon ko ibabalik sa ‘yo ang singsing.”

“But, maymay —”

“Bye. See you there.”

Ganoon ang naging takbo ng kanilang pag-uusap, at nagtaka siya pagkat parang gusto pang maglaro ni maymay.

Pinagkunwari niya akong nobyo niya dahil kay TanTan, naisaloob niya habang sumisimsim ng beer.

Ngayon naman, gusto pa yata niyang mag-hide and seek kami dito sa Baguio.

Why is she always playing games?

..... Itutuloy.....

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon