18

1K 57 0
                                    

Chapter 18

Kunot-noong napatitig siya sa kanyang ina. At nagulat pa siya pagkat noon lang niya napansin na mas may similaridad pa si maymay sa kanyang ina kaysa kanyang Tita Aura na nakababatang kapatid nito.

“Oo nga ho, Mom,” nasabi na lang niya. “Para nga hong kamukha ni Tita Aura ang babaing ‘yon.” Pero sa tingin ko’y mas kayo ang magkamukha!

MAYAMAYAY nilapitan siya ng isa nilang draftsman. Ipinatatawag daw siya ni mcCoy sa private office nito.

Nasa ibaba iyon, ikalawang sahig ng building na kinaroroonan ng kanilang main office sa Pasig City.

Akala ko talaga’y magiging magbayaw na kami ni mcCoy, naisaloob niya habang naglalakad na sa hagdan pababa.

Salbahe talaga ang Cora na ‘yon. Pinaasa lang ako. At ipinahiram pa kay maymay ang ibinigay kong engagement ring! Salbahe talaga!

“Upo ka muna, pare,” sabi ng 29 na taong gulang na kapatid ni cora pagpasok niya sa opisina nito. “May pag-uusapan tayo.”

Naupo siya. “Tungkol saan?”

“Natatandaan mo iyong pa-bidding sa Camp John Hay last month?”


“Oo,” tango niya. “Talo tayo roon, di ba? Nakuha yon ng Subic Bay Erectors.”

Umiling si mcCoy. “Naremedyuhan ‘yon nina Mr. Benitez at Big Boss. Na-sub natin.”

Na-subcontract ang ibig sabihin ni mcCoy. Sa bulgar na salita’y “binili” nila ang napanalunang bidding ng binanggit niyang engineering firm.

“So… ano’ng assignment ko, mcCoy?”

“Manonood ka lang sa akin habang sinu-supervise ko ang paglalagay ng pundasyon at flooring. Matrabaho ang pagpupundasyon doon dahil nga bundok ang Baguio. Kailangang sanay ka sa pagi-grading.”

“Di ba’t kayang-kaya naman ng mga foreman ‘yon?”

“Oo nga. At doon tayo mas natututo. Pero paano kung magtanong sila sa inhenyero? Kailangang may alam ka rin. Baka hula-hula lang ang isagot mo e madadale na naman tayo ng mga inspectors from the city engineering department. Edward, maski top notcher ka pa sa board, aminin mong mas marami pa ring alam kesa sa ating mga inhenyero ‘yong mga beteranong foreman. Huwag kang magdunung-dunungan sa mga ‘yon. Masusupalpal ka lang.”

....itutuloy....

THE PROPOSAL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon