"Ang love story namin ay hindi katulad ng wattpad na nababasa ko o mga kdrama na napapanood ko, kundi katulad ng isang mangingisda na nagisda sa maling dagat at naghintay lamang sa wala. Dahil ito ang realidad ng aming buhay pag ibig."
~KEISHA THERA RAMESES
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 1 💕
"Besh!" Tapik sa akin ni Momo.
"Hmm???" Tanong ko. Busy kasi ako ditong nagsusulat. Yeah! Kahit ito pa lang ang first week ng school year namin, busy na agad kami. Since isang linggo na walang katapusan na pagpapakilala, itong pagsusulat naman ang sumunod.
"Nakita mo na siya?" Nagtatakang tanong niya habang nagsusulat rin. Last subject namin 'to ngayong umaga at mamayang alas 2 pa ang klase namin kaya hayahay pa kami ng kaunti mamaya.
"Sino pa ba, edi si Kelso." Nakangiting sagot niya. Tssk! Sabi ko na nga ba eh! Si Kelso na naman ang tatanungin niya.
"Hindi pa," pagsisinungaling ko. "Bakit mo naitanong?" Tanong ko din. K. Tanungan lang kami ngayon.
"Kasi hindi pa rin ako maka paniwala na hindi mo na siya gusto, na naka move on ka na. Wala ka na bang nararamdaman para sa kanya?" Naiiyak na tanong niya sa akin. Napatawa naman ako sa inaasta niya ngayon. Parang siya iyong nag move on at hindi ako.
"Ano ka ba beshy, siyempre noong una ganyan din ang nararamdaman ko sa'yo. Naghihinayang din ako na baka nalilinlang lang ako ng isipan ko pero at the end of the day narealize ko na tama lang naman ang naging desisyon ko." Masayang sambit ko sa kanya ngunit sa whiteboard lang ako nakatingin dahil nga nangungupya ako sa nakasulat.
"Pero beshy naman eh! Hindi lang talaga ako sanay na hindi mo hanapin sa amin si Kelso. Ni hindi mo na rin binabanggit iyong pangalan niya eh! Nasanay pa naman ako beshy! Nasanay ako! Naniwala pa naman din akong may foreber sa inyo!" Wika niya. Napa iling lang ako sa sinabi niya.
Pati naman ako nasanay.
Nasanay ako na sa bawat pag gising ko sa umaga, pagsakay sa jeep at pagpunta dito sa school, si Kelso agad ang nasa isip ko. Maging sa pag fafacebook ko, parang hindi makukumpleto ang araw ko kapag hindi ko man lang siya na instalk or naupdate man ako sa walang lamang wall niya. Tiniis ko iyon kasi alam ko siya iyong kaligayahan ko. Ang inspirasyon ko pero nauwi lang lahat iyon sa distraksyon.
Lahat ng meron ako, pinaghirapan ko at mga bagay na mahalaga sa akin, lahat iyon unti unti ko ng nabitawan. Dahil minahal ko siya sa maling oras.
"Alam mo beshy, ang love story namin ay hindi katulad ng wattpad na nababasa ko o kdrama na pinapanood ko, kundi katulad ng isang mangingisda na nangisda sa maling dagat at naghintay lamang sa wala. Dahil ito ang realidad ng aming buhay pag ibig." Sagot ko tapos humarap ako sa kanya.
"In short, ako lang naman talaga amg nagsulat. Wala siyang partisipasyon doon. Tanging fiction lang naman talaga lahat ng mga panaginip ko at pangarap ko kasama siya. Dahil ang totoo, ako lang at ako lang talaga ang nagmahal sa aming dalawa." Pinunasan ko ang luhang medyo namumuo sa mga mata ko.
"I'm sorry beshy, hindi ko alam." Wika niya. I smiled tapos ay tumingin na ulit sa whiteboard para mangupya. Naramdaman kong yinakap niya ko.
"Okay lang 'yan beshy, ok lang 'yan!"
❌❌❌
"Tara doonnnnnnnn!!!" Masayang turo ni Cela sa mga nagtitinda ng mga street foods. 1:00 pa lang, isang oras pa bago ang start ng first subject namin sa hapon.
"Sige sige! Libre mo kooooo~" Sabi ko sa kanya.
"I don't wanna!" Sabi ni Cela na naka labas pa ang dila. Putulin ko 'yan eh! Bwahahaha!
"Diana ohhh~!" Sumbong ko sa bagong member ng circle of friends ko. Kaklase na namin siya noong grade 11 pa lang kami kaya lang 'yong nag iisang kaibigan niya, lumipat sa school kaya sinama na lang namin siya sa circle of friends namin. Kawawa din naman kasi siya eh kung mag isa lang siya.
"Ahihihi~" Nahihiyang tawa niya. Shy type siya eh!
"Anong bibilhin niyo?" Tanong ni ate Resse habang tinitignan ang maraming mga stalls na nagbebenta ng street foods.
"Sa akin fishball, kayo?" Sagot at tanong ko sa kanila.
"Me too~! Me too~!" Hyper na sagot ni Cela. Tsse!
"Tsse! Huwag ka na! Di mo ko ilibre!" Pagbubully ko sa kanya.
"Heh!" Sagot naman niya tapos nagtawanan kaming apat. Yeah apat! Kasi wala si Momo ngayon. Nasa bago nilang apartment.
"Sige fishball na rin sa akin." Sagot ni ate Resse.
"Ikaw Diana? Fishball din?" Tanong ko. Umiling siya.
"Kikiam po sa akin." I nod.
Sinabi na namin ang order namin tapos ng pagkabigay na pagkabigay sa amin ay kinain ko na agad iyong akin. Gutom na ko eh!
Habang palabas na ng stalls ng mga nagtitinda, bigla kaming napatigil.
"Ahem, look who's coming!" Pang asar sa akin ni ate Resse.
"Ay oh?" Sabi naman ni Cela.
"Ah?" Iyon lang nasabi ko habang si Diana ay nagtataka sa mga inaasta namin.
Bigla kasing paparating ang barkada niya kasama siya at mukhang papunta rin sila sa mga bilihan ng mga street foods. Tssk! Barkada goals ang peg nila.
"Yieeehhh!!!" Sabay na tukso noong dalawa sa akin ng bigla kaming lumagpas sa kanila. Sa kanya pala.
"Tssk!" Sagot ko. Ok lang naman na ang trato ko sa kanya. Nakikita ko na siya as one of my schoolmates not my former crush pero the more na nag 'aa-yieehh' iyang mga kaibigan ko, feeling ko the more na bumabalik ang nararamdaman ko.
Nauna akong naglakad sa kanila. Tapos ilang saglit ay nakasabay ko na si Cela sa paglalakad.
"Sino iyong kanina?" Pang aasar na naman niya. Tssk! hindi na ko madadaan sa kilig uy!
"Si Kelso bakit?" Sagot ko.
"Yieeeehhhh~!!!" Kinikilig na asar niya.
"Tama na nga 'yang 'ayiee' mo beshy, ta nasusuka ako!" Sagot ko na parang diring diri talaga. Tumawa naman sila ate Resse at Diana sa likod ko. Buti na lang pala hindi pa kilala ni Diana si Kelso eh!
"Tssk! Beshy naman kasi eh, kinikilig ako kasi sa wakas nakita mo na si Kelso mo pero bakit naka bungasot ka diyan? Hindi ka ba masaya?" Tanong niya. Tumigil ako sa paglalakad dahilan para tumigil din sila.
"Masaya." Sagot ko.
"Pero bakit ganyan mukha mo?" Tanong niya ulit.
"Kasi nananalo na naman ang puso ko kaysa sa isipan ko kaya naka bungasot ako." Sagot ko.
"Talaga lang ha?" Tanong niya ulit. I nod pero ayon, 'ayieee' pa rin siya ng 'ayiee' hanggang sa nakapasok na kami sa school at naghintay ng oras. Saklaf no?
Pero promise, totoo iyong sinabi ko. Masaya ko dahil nakita ko siya ngunit 'yon nga lang, nanalo na naman ang puso ko sa isipan ko pero hindi ko naman talaga nakakalimutan ang naranasan ko noon at ayoko ng maranasan ulit iyon.
Ayaw ko ng ako lang ang iibig sa aming dalawa kasi masakit.
❌❌❌
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Подростковая литератураNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
