💕 NOBODY'S BETTER 8 💕

43 7 1
                                    

"Ay! Oo! Tama! Ang alam ko din matagal na niya siyang gusto pero torpe lang talaga siya." Sagot niya sa kasama.

"Ay ganoon, pero alam mo sabi nila, sobra daw magmahal si Kelso kahit na medyo Playboy siya." Wika naman nito. Tahimik lang akong nakikinig dito dahil kanina pa ko nacucurious kong sino ba iyong tinutukoy nila na gusto ni Kelso.

"Talaga?" Hindi maka paniwalang tanong nito sa kasama.

"Oo, kaya maswerte siya. Maswerteng maswerte."

❌❌❌

💕 NOBODY'S BETTER 8 💕

Nakikinig ako ng music ngayon. Tahimik din ako ngayon sa upuan ko pero ewan ko kung bakit. May problema ba ko? Ang alam ko wala naman eh! Pero bakit ganito ako makareact? Dahil ba doon sa nangyari noong isang araw? Iyong botosan? Iyong hindi man lang siya sumagot sa tanong kong Can you Stay with me?

Dahil ba doon? Dahil ba umasa na naman ako? Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.

I run my fingers through my hair dahil sa frustration na iniisip ko at napa pikit na lang. Bakit ko ba siya iniisip ngayon? Bakit?

Napabalik ang ulirat ko dahil sa mahinang tapik sa akin ni Momo sa pisngi. Napa tingin ako sa kanya at nakita ko siyang naka kunot noo at mukhang alalang alala na dahil sa ginagalaw ko ngayon.

"Are you okay? Kanina ka pa kasi namin kinakausap ni ate Resse pero wala ka sa sarili. May problema ba besseu?" Nag aalala niyang tanong sa akin. Rinig mo pa ang concert sa tunog ng pagtatanong niya. Maging sa mukha niya, kita mo pa ring nag aalala siya sa akin. Tinignan ko lang siya maging si ate Resse na nakatingin sa akin. Mukhang hinihintay nila ang isasagot ko. Ibinuka ko ang bibig ko para sana magsalita pero walang salitang lumabas kahit isa man lang kaya isinara ko na lang at umiling sa kanila bilang tugon ko. Maging mga vocabulary ko nawala dahil sa pinag iisip ko. Bakit ko kasi siya iniisip. Feeling ko tuloy imbes na inspiration ko siya naging toxic na ang laman ng utak ko dahil sa naiisip kong puro negativeness.

Napansin ko rin na kapag kay Kelso ang usapan, laging iba iba ang mood ko. Ang galaw ko. Iyong tipong minsan, kilig na kilig ako sa kanya, minsan naman, naiirita ako kapag nakikita siya. Ganito ba talaga ang mararamdaman mo kapag si Crush ang kausap. O dahil naging bitter na ko sa kanya. I mean, bitter dahil sa scene na nakita ko noong butusan (iyong sa kanya lang siya nakatingin at nakangiti pa siya habang sa akin, hindi.) Siguro, dahil doon, napagtanto ko, na hindi niya ko talaga gusto. 💔

Gusto ko mang idrop itong assumption ko, hindi ko magawa. Pumapasok at pumapasok pa rin 'to sa isipan ko kahit hindi ko gustuhin. Siguro kailangan ko lang 'tong iwaksi. At ituon ang isipan sa ibang bagay. Siguro nga.

"Gusto mo bang pumunta tayong infirmary at magpahinga doon?" Tanong ni Momo. Tumango lang ako. Siguro ipapahinga ko lang 'tong isipan ko. Siguro kapag itutulog ko 'to doon, mawawala o mababawasan 'tong assumption na 'to. Siguro kapag na bigyan ko ng time 'tong isipan ko na huwag muna siyang isipan baka gagaan 'tong pakiramdam ko.

Maraming What if ang pumapasok sa isipan ko ngayon pero hinayaan ko na lang 'tong umagos. Bahala na.

Agad kung kinuha ang bag ko at sinamahan nila ate Resse at Momo akong pumunta sa infirmary. Wala naman kaming instructor ngayon kaya ok lang. Pinasabi ko na lang din na pa excuse ako kung sakaling darating iyong instructor namin maging sa susunod na subjects.

NOBODY'S BETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon